(Skyler's POV)
Masasabi kong komportable ang unang gabi namin dito sa Pandemonium dahil masarap ang gising ko. Sigurado akong hindi pa gising si Storm. Dahil nasa "good mood" ako, naisipan kong mag-jogging muna sa labas. Mukhang wala namang nagbubugbugan ng ganitong ka-aga. Pag-balik ko sa dorm namin ay naabutan kong nagluluto si Jackson at bukod kay Storm na siyang dorm mate ko, nandito rin sila Chaste, Carter at Nathan.
"Sinundo ko silang lahat," puno ng pagmamalaking bungad ni Storm.
"Hindi kasi makapag-almusal itong loko-lokong ito ng walang kasama," komento ni Chaste.
"Pagkagising niya raw wala na siyang kasama sa dorm," natatawang sambit ni Nathan.
"Akala ni Storm bumalik ka na sa inyo kaya sinundo niya kaming lahat," sabi naman ni Jackson habang nilalapag sa lamesa ang mga niluto niya.
"Saan ka ba galing? Ako rin, akala ko talaga umuwi ka na sa inyo. Ikaw pa naman ang nagrereklamo kahapon," sabi ni Carter.
"Nag-jogging lang ako sa labas." Paliwanag ko at umupo na ako.
Pagkatapos namin mag-almusal sabay-sabay kaming tumungo sa una naming klase. Iba't ibang komento ang narinig namin mula sa sa kaklase namin. Tulad kahapon, nakatuon na naman sa amin ang atensiyon nilang lahat.
"T*ng*n* kailangan ba talagang kasama ng the Knights yung alalay nila?"
"G*g* kailangan nila yun para may taga-gawa sila ng assignments nila."
"P*t* mukha namang mga lampa iyang the Knights."
"Eh kasi walang ginagawa kung hindi tumugtog hahahaha siguro pag sinuntok mo yan hindi na makakatayo ng isang buwan iyan."
Puro bukang-bibig lang ang mga ito. Siguradong walang bubuga sa academics ang mga ito. Bumukas ang pinto ng classroom namin. Bago pa man makarating ang teacher namin sa teacher's table niya ay bumagsak na ito dahil pinatid siya ng isa sa mga mukhang sangganong unggoy.
Hindi ako nag-dalawang isip na lumapit rito ganoon din sila Chaste, Nathan, Carter, Storm at Jackson. "Let me help you ma'am," tinulungan namin siyang damputin yung mga gamit niya.
"Thank you. By the way, are you the transferees?" Tanong niya habang dinadampot yung mga gamit niya.
"Yes ma'am."
"Thank you, Lord! Buti naman nagkaroon din ng mga mababait na estudyante dito! Sa tagal kong nagtuturo rito wala pang estudyanteng nag-alok ng tulong sa akin tuwing pinapatid ako ng mga iyan. Dahil dito, kahit hindi na kayo pumasok sa klase ko, you're passed." tumayo siya ng diretso at pinagpagan ang damit niya. "I'm Faith Greene, good manners and right conduct teacher."
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...