Chapter 2

1.6K 77 60
                                    

(Skyler's POV)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Skyler's POV)

Kinabukasan, maaga kaming ginising ni Manager para mag-almusal at mag-handa dahil pupunta kami sa BM Entertainment.Naalala ko na wala pala ako sa bahay. May sinusunod nga palang schedule ang The Knights at damay na rin ako dun dahil dito ako nakatira sa dorm.

Dahil nga sinusunod namin ang schedule ng The Knights, pagkatapos mag-almusal ay pumunta kami sa BM Entertainment para sa rehearsals.


"Start tayo after 10 minutes," sabi ni Manager habang nakatingin sa pambisig niya relo. Kanya-kanyang set up sila ng mga instrumentong gagamitin nila.

Lumapit sa akin si Nathan habang tinotono ang gitara niya at tinanong ako, "Skyler, okay ka lang?"

"Okay lang ako, Nathan," walang ganang sagot ko.

"Thank you nga pala sa mga kantang sinulat mo para sa The Knights. They were really good, walang tapon." Si Nathan ang leader ng The Knights. Siya rin ang lead guitarist nila.

"Walang anuman. Alam mo namang passion ko ang pag-gawa ng mga kanta. It is also my dream to become a famous composer someday. I won't give up."

"Alam mo Sky, sikat na composer ka naman talaga. Hindi mo lang nilalabas ang identity mo sa publiko kasi natatakot ka sa daddy mo. Natupad mo na ang pangarap mong iyon. Ngayon, kailangan mong humanap ng ibang pangarap. Something bigger than your first dream but always remember your purpose," he tapped my shoulder.

"That exactly what am I going to do," ngumiti ako sa kanya.

"Paano ba yan? Dito ka muna start na ng practice namin."


Nakaka-badtrip isipin ang nangyari sa mga sheet music ko. Pinaghirapan ko kasi ang mga iyon tapos nasayang lang. I love writing lyrics, composing songs and all about music. Just like what I've said, music is my soul.


Habang pinapanood ko sila, kita ko sa kanila kung gaano nila kamahal ang ginagawa nila. Kaya naman ginaganahan akong sumulat ng mga kanta para sa kanila. Hindi sapat ang talent kung hindi mo naman mahal ang ginagawa mo.

In the field of music? Kailangan willing at devoted ka sa ginagawa mo. Maraming kapalit ang pagkahumaling sa musika. Minsan oras, pero kadalasan, hindi sinasadyang pagkasira ng relasyon tulad ng sa akin. Pinili kong ilayo ang loob ko sa pamilya ko para sa musika. Music is more than gold, it is more valuable than anything else in this world. Music is a pleasure without a vice.

Pumunta ako sa isang studio dito sa BM entertainment. To be specific, sa dance studio ko napiling pumuwesto. Isa ito sa pinakatahimik na lugar sa buong building. Sobrang payapa, walang maingay, walang pipigil sa akin. Sari-saring ideya ang pumapasok sa isip ko. Ipinikit ko ang mata ko at tinatanggap ko lang ang mga ideyang ibinubulong ng katahimikan.

Leashed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon