Chapter 27

752 54 13
                                    

(Aurora's POV)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Aurora's POV)

The next day...

"Aurora! Pupunta tayo sa BM Entertainment mamaya!" Bungad sa akin ni Kyra pagkagising na pagkagising ko.

"W-why?" Tanong ko habang nagku-kusot ng mata.


Tuluyan akong bumangon at nagtimpla agad ako ng kape ko. Pagkatapos ay lumabas ako sa veranda para doon mag-kape habang nagpapa-araw. Sumunod sa akin si Kyra at dire-diretso ang pangungulit niya sa akin. Hay!!! Hindi na naman ako tatantanan ng babaeng ito kapag hindi ako pumayag.


"Pretty please?!" Nagawa niya pang magpa-cute sa harap ko.

Napabuntong hininga ako, "fine."

"Bibisitahin ko lang naman si Uncle Brandon kaya huwag kang mag-alala."

"Okay."


Pagkatapos ko ubusin ang kape ko ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit patuloy na nag-iiba ang kulay ng buhok ko. These past few days, consistent ang pagiging kulay blonde nito halos kulay puti ang kulay nito kapag natatamaan ng sinag ng araw. I tried using alchemy to change my hair color but I failed. I really want my red hair back.

Hindi na ako naglagay ng maraming kolorete sa mukha. Mascara, a little blush and...

...I put on a blood-red lipstick.


Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Isinuot ko ang black leather jacket, black leather shorts, and my red leather combat boots, para maiba naman.


"OH MY GOD!!! YOU'RE A HOT BAD*SS B*TCH!!!" Gulat na komento ni Kyra.

"Nasaan pala si Sloane?" tanong ko.

"Nasa Star Entertainment."

"Ahhh. Tara?"

"Oo, nandiyan na yung limousine ko," sabi niya. Napa-kunot ang noo ko. Oo nga naman. Nakalimutan ko na ako lang pala ang hindi naka-limousine sa buong Elysian Academy.

"I'll pass. Susundan ko nalang ang limousine mo." Nakangising sabi ko.

"WHY?!?!" Pagmamaktol niya.


Hindi na ako nagsalita pa. Pinuntahan ko nalang sa parking area ang bago kong sasakyan bukod sa Veneno.


"OH MY GOD!!! IS THAT YOURS?!" Gulat na sabi ni Kyra.

"Meet my baby Cosmic Starship." Nakangising sabi ko habang pinapaikot ang susi sa daliri ko.

Leashed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon