(River's POV)
Nang makuha ko siya mula sa mga bisig ni Chaste ay ramdam ko ang init ng balat niya. Napansin ko rin ang bakas ng mga kuko na gumawa ng mga sugat sa mga braso niya. "Lady, how did you do that? Paano mo nagawang pigilan ang kapangyarihan mo?"
"Suarez, hindi ko alam kung anong nangyari sa kapatid ko pero magpapasalamat pa rin ako sa iyo. Thank you, I owe you something," pinili kong panatilihin ang malamig na tono ng boses ko. That is my facade for everyone. "Thank you for the heartache you gave her. Naging mas malakas ang loob niya dahil sa ibinigay mong sakit sa kanya."
"No need to thank me, River," kita ko ang pag-aalala mula sa mga mata niya, "It's my fault."
"Hindi mo naiintindihan, Suarez." I smirked, "she's a chaos, a mess, an explosive, a bomb, name it. In short, she's dangerous. Lumayo ka sa kanya, huwag ka nang lalapit sa kanya ulit. We don't know when she's going to explode," pagkasabi ko nito ay tinalikuran ko siya. "No, she's not dangerous, she's just too powerful. Huwag kang lalayo sa tabi niya, huwag na huwag mo siyang iiwan ulit. We've done so much damage to her to protect her."
"You're a lucky piece of sh*t though. Adios, Suarez." sambit ko bago ako tuluyang umalis. "You're lucky because you love her and she loves you even her heart is still leashed. Sa iyo lang namin ipagkakatiwala ang nag-iisang diyamante namin."
Xavier Strauss' Mansion...
Pagkadating namin sa mansiyon ay sinalubong agad kami ng mga kasambahay ni Xavier. Mukhang gulat na gulat ang mga ito dahil ako ang kasama ni Aurora at hindi ang kapatid ko. "Yes, they think I despise my sister." Wala dito si Xavier, kaya naman tinanong ko ang isang kasambahay niya, "do you know where my brother is?"
"Mr. River, nasa New York po si Mr. Xavier. Hindi niya po ba nasabi sa inyo?" Holysh*t! How could I forget that?
"Ang galing ng timing ng kapatid ko," puno ng sarkasmong sambit ko. "Ihanda niyo ang kwarto ni Aurora," walang ganang utos ko sa kanila.
"Maayos na po iyon, Mr. River." Oo nga naman, mahigpit na utos ni Xavier sa mga kasambahay niya na palaging ayusin ang kwarto ni Aurora kahit walang gumagamit. Para sa mga ganitong pagkakataon.
"Thank you."
Umakyat ako sa ikalawang palapag kung saan nandoon ang kwarto ni Aurora. "Ganito ka ka-espesyal sa amin. All our mansions have a room specially just for you."
Marahan ko siyang ibinaba sa kama niya. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang kabuuan ng kwarto ito. Ivory white walls, gold and rose pink accents. It looks like a room of a princess. Pumasok ako sa walk-in closet niya. Bukod sa mga damit, mga sapatos at mga bag, dito nakalagay ang mga art materials niya.
Napatawa ako ng mahina, "you're really special. Ikaw lang ang gifted pag dating sa visual arts, genius even. In my heart, I'm so proud of you. Every work of art you painted is truly a masterpiece."
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...