(Skyler's POV)
Gamit ko ang kotse ni Journey. Nagmaneho ako papunta sa Elysian at sakto lang ang dating ko. Hindi ako naghintay ng matagal, pagkalipas ng ilang sandali ay nakita ko nang papalapit si Aurora.
"Kanina ka pa dito?" tanong niya sa akin.
"Kararating ko lang"
"Uhm kailangan ko bang dalahin yung kotse ko?" Napatulala lang ako sa kanya. Who knows that this woman is so beautiful when she's not a cussing machine. She's wearing a printed oversized shirt and black shorts and a pair of black combat boots. Her red hair was braided neatly. Napaka-simple niyang tignan at ito ang nagpatingkad sa kagandahan niya.Hindi ko magawang i-iwas ang tingin ko sa kanya.
Napansin kong napatingin siya sa likod ko. "COOL!!! ASTON MARTIN DBX?!" Komento niya at lumapit pa ito sa kotseng gamit ko.
"Kung gusto mo, convoy nalang tayo?" suhestiyon ko.
"Nah!!! We'll use your car. So cool!!! Pareho kayo ng kotse ng body guard namin!!!"
"I never felt so poor in my life," natatawang komento ko.
"I'm just kidding! Hahahaha anyways, tinatamad ako mag-drive kaya gamitin natin ang kotse mo."
Nagpaka gentleman ako, I guide her towards Journey's car and I opened the car door for her. Habang nagmamaneho hindi ko maiwasang sumulyap-sulyap sa kanya. Hindi nakaka-sawang titigan ng mukha niya. Ngayon alam ko na kung bakit baliw na baliw sa kanya si Chaste. Any man would fall for her in a snap.
"Uhm let's be civil to each other this time," naiilang na panimula ko ng topic.
She let out a small laugh. The feisty Aurora I knew is back. "Sure. Depende na lang kung magpapaka-g*g* ka na naman" nang-aasar na sabi nya.
"Watch your words, Lady," napatawa ako ng mahina.
"So saan tayo pupunta?" Tanong nya.
Nilingon ko sya saglit at nginitian, "sa Heaven?"
"F*ck! Heaven? Pinagti-tripan mo na naman ba ako, Skyler? G*g* ka ihinto mo itong kotse bababa ako!!!"
"I said watch your words, Lady. Wala ka bang tiwala sa akin? Ipinag-paalam pa naman kita kay Xavier."
"W-wait, nag-paalam ka kay Xavier?"
"Oo. Kaya huwag kang mag-alala. Hindi kita pagti-tripan."
After 30 minutes, nakarating kami sa Heaven.
"So... This is heaven?" Di maka-paniwalang tanong nya sa akin pagka-kita niya sa buong lugar.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...