(Aurora's POV)
Monday...
Nagla-lakad kami sa hallway nang biglang may humarang sa dina-daanan namin. Sila na naman yung mga fake barbies na feeling superior dito sa Elysian. Mukhang may nasagap na namang chismis tungkol sa akin ang mga radar nila kaya ngayon, pine-peste nila ako.
"Hey, Aurora? Mind telling us what happened?" sabi ng pinaka leader ng mga fake barbies pagkatapos ay nag-tawanan sila.
"What the hell are you talking about?" Tinignan ko lang sila ng masama.
"Anong ginawa mo kay Chaste Suarez? Black magic? Sorcery? Potion making?" Mataray na sabi niya na para bang kasalanan kong hindi siya napapansin ni Chaste.
"Wala akong alam sa sinasabi niyo. Kung wala kayong sasabihin, better get out of my way because you're totally messing my whole day," tinaasan ko sila ng kilay.
"Sino ka sa akala mo? Hindi porque isa kang Strauss, may karapatan ka nang mag-yabang dito sa Elysian. Isa ka lang namang kahihiyan sa mga Strauss," dinuro niya ako. Pinili kong kalmahin ang sarili ko. Imbis na sumagot pa, tinalikuran ko na lang siya. Ayaw ko ng gulo. Pero hinatak niya ang buhok ko.
"HEY!!! HOW DARE YOU?!?! YOU JUST PULLED AURORA'S HAIR!!!" Nagulat ako nang sampalin ni Kyra ang leader ng mga fake barbies kaya naman napa-bitaw ito sa buhok ko.
"Look who's here?! A damsel in distress claiming Carter Sandoval? Tignan niyo nga naman, nagsama ang parehong makati?"
"Hoy! sumosobra ka na ha?!" Mataray na sambit ni Sloane habang dinuduro ang mukha ng leader ng fake barbies. "Hindi kasalanan ni Aurora na maganda siya kaya naman iyang Casanova Knight niyo buntot nang buntot sa kaibigan ko. Bakit hindi niyo tanungin iyang Carter Sandoval niyo kung bakit niya nagustuhan ang isang Kyra Lee? Oops!!! Hindi nga pala kayo kilala ng buong The Knights."
"SLOANE, YOU'RE A B*TCH!!!" Sinugod niya si Sloane at hinatak ang buhok nito. Pinag-tulungan naman ng mga alagad ng leader ng fake barbies si Sloane kaya naki-gulo na rin si Kyra sa kanila.
"PLASTIC B*TCHES!!! LET GO OF HER!!!" Sigaw ni Kyra habang pilit na hinahatak palayo kay Sloane ang mga suma-sabunot dito.
"Bitawan niyo siya." Walang buhay na sabi ko ngunit hindi nila ako pinapansin. "PLASTIC BARBIES WITH FAKE NOSE, FAKE JAWS, FAKE FACE. Don't even dare to cross our paths again or else you will get to see the real hell," malamig na sambit ko sa kanilang lahat.
"Don't tell us wha-"
"ANG SABI KO BITAWAN NIYO ANG MGA KAIBIGAN KO!!!"
Sa isang iglap, hinayaan kong lumabas ang enerhiya mula sa akin at gumawa ito ng napakalakas na impact kaya nabasag lahat mga ilaw at mga salamin sa hallway. Malakas na ihip ng hangin ang pumalibot sa aming lahat at ito ang nag-dulot ng panic sa mga estudyanteng nandito. I can feel my overflowing energy and I can't control my telekinetic power anymore, it's controlling me. Pumikit ako ng mariin dahil ramdam ko na naman ang pag-ilaw ng mga mata ko at ayaw ko makita ito ng ibang tao.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...