(Aurora's POV)
Sadyang mapaglaro ang tadhana. Bakit sa dinami-dami ng mga tao sa mundo, talagang si Chaste pa ang naka-hanap sa akin sa lugar na ito?
"Bakit nandito ka, Chaste?" tanong ko ngunit imbis na sumagot ay kinabig niya ako papalapit sa kanya at ipinaloob ako sa yakap niya. Napayakap ako pabalik sa kanya. I can't help but inhale the invigorating scent of his rosewood cologne. "This particular scent used to uplift my spirit and give me comfort." Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya nang marinig kong kantahin niya ang paborito kong kanta. "He used to be my Wonderwall."
Nang matapos niya itong kantahin ay kumalas ako mula sa pagkaka-yakap niya, "you still remember?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa mga mata ko pagkatapos ay lumabas mula sa mga labi niya ang mga salitang hindi ko ina-asahang marinig, "kahit kailan, hindi ako nakalimot."
Hindi ko ma-intindihan ang naramdaman ko nang marinig ko iyon. "My heart felt a little warmer?" tanong ko sa isip ko. "Paano mo nakayang iwanan ako at pagkatapos babalik ka na para bang walang nangyari?" masuyong tanong ko sa kanya. "Chaste, gusto kong marinig ang sagot mo."
"Sorry." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. Isang salita lang iyon pero nasaktan ako. Hanggang ngayon pala uma-asa pa rin ako na babalik kami sa dati. Sapat na yung "sorry" niya para ipamukha sa akin na hindi na mangyayari iyon.
Tumayo siya at inilahad niya ang kamay niya para alalayan akong tumayo, "ihahatid na kita sa inyo," sambit niya.
"Hindi ako sa mansiyon tumutuloy ngayon," pabulong na tugon ko.
"Kung ganoon, saan ka ngayon?" kunot noong tanong niya.
"Sa Elysian," sagot ko napatingin ako sa mga paa kong puro paltos dahil sa ilang oras na paglalakad. Nagulat ako ng buhatin niya ako papunta sa kotseng gamit niya na nakahinto sa hindi kalayuan. "My heart felt a little warmer, again?"
Inilipag niya ako sa passenger's seat at pagkatapos ay umupo na siya sa driver's seat. "DAMN!!!" Napa-pikit ako nang suntukin niya ang manibela ng kotse. Walang sali-salita ay lumabas siya mula sa kotse. Hindi na ako nag-abala sundan siya dahil masakit ang mga paa ko. In-obserbahan ko nalang ang loob ng kotse. Pansin kong hindi ito tulad ng amoy ng kotse niya dati. Isa pa, hindi ito sports car. It is just a regular Mini Cooper. Binuksan ko din ang glove compartment nito, at mayroong litrato ng babae sa loob nito. May kung anong kumirot sa puso ko. Ibinalik ko ang litrato sa dati nitong pwesto at itinuon ko na lamang ang mata ko sa windsheild.
Pagkalipas ng ilang sandali ay may kumatok sa bintana ng kotse. Pamilyar ang taong iyon kaya naman ibinaba ko ang bintana. "Seniorita, good to see you." Bati niya.
"Hindi ba ikaw yung bartender?" Manghang tanong ko.
"Yes, Joaquin Reyes, at your service." Kumindat ito at binatukaan naman siya ni Chaste.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...