(Skyler's POV)
"Boys, nandito na ang sundo niyo! Bilisan niyo ang pag-iimpake ninyo." Sigaw ni Manager. Kaya naman isinukbit ko na ang travelling bag ko sa likod ko at nagmamadali akong pumunta sa sala kung saan nandoon si Manager.
"1 down, 4 to go! Carter, Storm, Jackson, Nathan!"
Patakbong pumunta si Nathan niya sa pwesto namin habang hatak-hatak ang maleta niya habang ang gitara niya naman ay nakasukbit sa likod niya.
"Kahit kailan ang babagal kumilos ng mga batang ito," reklamo ni Manager. "2 down, 3 to go! Carter, Storm, Jackson."
"I'm already here," tamad na tamad na sambit ni Jackson.
"3 down, 2 to go! Carter at Storm ang bagal niyo kumilos!"
Natawa nalang kami dahil sa iritadong ekspresyon ni Manager.
"Nagpupustahan pa ang dalawang iyon. Kung sino ang huling bababa." umiling-iling si Nathan.
"As usual."
"3 do-"
"Tara na!" sabay na sabi ni Carter at Storm habang papalapit sa amin.
"Wala na b-"
"Wala na po kaming naiwan," sabay sabay na sambit nilang lahat na para bang alam na nila ang sasabihin ni Manager
"Ano pa ang hinihintay ninyo? Kanina pa naghihintay ang driver ni Brandon." dali-dali silang nag-unahang lumabas ng bahay. Sigurado akong maguunahan ang mga iyan pumili ng pwesto nila sa sasakyan.
Dahil ako ang huli, ako ang nakapwesto sa passenger seat ng van na gamit namin. Ilang oras din ang biyahe dahil sa traffic. Hapon na nang makarating kami sa destinasyon namin.
"Diyan tayo magaaral?" hindi makapaniwalang tanong ni Carter.
"Not bad," I said.
Bago kami tuluyang makarating sa tapat ng gate ng Pandemonium Academy, napansin ko na mula sa malayo ang bulto ni Chaste.
"Ayun si Suarez," deklara ko sa kanila.
"Lagi namang maaga iyan. Lalo na at malapit lang dito ang bahay nila," sabi ni Storm.
Pinahinto ko muna ang sasakyan. Nang tuluyang huminto ang sasakyan namin ay nagsi-baba na kaming lahat. Sa palagay ko ay hindi niya napansin na nakarating na kami dahil tutok na tutok pa rin siya sa cellphone na hawak niya.
"Chaste!" tawag ko. Mabilis niya itinago sa bulsa niya ang cellphone niya at lumakad siya papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...