(Skyler's POV)
Sadyang mabilis ang paglipas ng araw kapag lagi kang abala. Hindi ako makapaniwala na nakatagal kami ng one week dito sa Pandemonium. Oo nga pala, saturday ngayon kaya free day namin pero hindi kami pwede lumabas ng campus. Tuwing sunday lang kasi ang open gates policy.
Naiisipan kong pumunta sa library para sana mag basa ng mga libro na tungkol sa arts and music. Pero nakuha ng atensiyon ko ang mga boses na nanggagaling sa likurang bahagi ng library. Out of curiousity, sinundan ko ang pinanggagalingan ng mga boses. Dinala ako ng mgaa paa ko sa bintana sa likod ng library. Hindi pala galing ang mga boses sa loob ng library kung hindi sa labas ng mismong gusali. Sumilip ako mula sa bintana ng library. Nagtutulong-tulong ang mga estudyante na umakyat ng bakod, obviously, para makalabas ng campus.
"Pare, tara! Umakyat ka na tapos tulungan mo kaming maka-akyat."
"Ako mau-una sumunod kayo."
"Oo na para makatakas tayo. Bilisan niyo kumilos baka may makakita sa atin."
Nang makalabas silang lahat, naisipan kong gayahin sila. Bumaba ako mula sa bintana ng library at nag-tagumpay ako na makalabas. Susundan ko sana sila kaso nawala na sila sa paningin ko kaya naglakad-lakad na lang ako sa paligid.
Napansin ko ang isang parke. Wala masyadong tao dito ngayon dahil alanganin ang oras. Umupo ako sa ilalim ng malaking puno. Kinapa ko agad ang bulsa ko. Buti nalang hindi ko nakalimutan ang cellphone at earphones ko. Ikinabit ko ang earphones ko at pinakinggan ko ang mga bagong sample beat na ginawa ko noong nakaraang araw.
Napaisip ako, paano kaya kapag nakagraduate na ako? Hindi na talaga ako makakapag-compose kasi mag-aaral na ako sa isa sa mga sikat na university. I will left the music industry to fit in the new world.
Nakakainis!
"They don't even know why I love music," sambit ko sa sarili ko.
Narinig ko ang boses ng isa sa mga nakita kong nag-bakod, "hindi ba iyan yung transferee?" Sino ba ang tinutukoy nila? Lumingon ako sa pwesto nila.
"Nakita niya tayo!" sigaw nung isa.
"Hulihin niyo yan! Huwag niyo ibabalik sa academy!"
"Sugod! Wag niyong pabalikin sa academy yan. Siguradong magsusumbong yan!"
Nang marinig ko ang sinabi nila ay hindi na ako nag-dalawang isip pang tumakbo ng mabilis. Hinabol naman nila ako. Oo na! Duwag na kung duwag! Pero hindi ako tanga ang dami kaya nila. Pag binugbog ako ng mga iyan siguradong mame-meet ko si kamatayan. F*ck!!!
Tumakbo lang ako ng tumakbo at hindi halos naramdaman ang hingal dahil siguro sa adrenaline rush. Mula sa malayo ay napansin ko ang isang magarang sasakyan. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong Veneno Roadster. Tumakbo ako patungo dito. Mukhang sinuswerte ako dahil huminto ito at bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
Leashed Heart
General Fiction[[UNDER REVISION]] Strauss Family is well-known for their talent and passion in classical music except Aurora, their youngest. She have no talent in music that is why she is considered as an outcast of her own family. Her family's cold treatment and...