Ang pagibig ko sayo ay parang pagabot ko ng mythic rank sa ML.
Nagsimula sa pagiging WARRIOR,kung saan hirap na hirap pako alamin kung pano laruin to at kung anong lalake ba yung tipo mo.
Na para bang ang bawat paguusap naten ay parang stars na kelangan mapanalunan sa bawat rank game para unti-unting mapalapit ang loob ko sayo.
Sumunod sa ELITE,na parang unti-unti na nga tayong naeengganyong mag usap gabigabi na parang pagrarankgame ko sa gabi.
Nakaabot sa rank ng mga kanser na MASTER,na parang medyo nararamdaman kong unti-unti kang nagbabago na parang pagbagsak ng aking ranggo dahil sa mga umaaligid sayo na parang lag at mahinang connection sa larong to.
Pero sinubok mo ako para maging GRANDMASTER, na kada panalo ko ay ipaparamdam mo na mahalaga ako sayo.
Kaya pinagsikapan kong makatungtong sa EPIC,kahit alam kong ilang buwan ang lumipas bago nakarating dahil sa mga kakampi kong lintik,at dito ko naranasan na parami na ng parami ang kaagaw ko sayo dahil sa tinatangi mong ganda na parang si ANGELA,MIYA, at LAYLA.
Pero nakarating parin ako sa rank ng mga gwapo,ang LEGEND.Pero sa tingin ko wala parin akong pag asa sayo.Na parang gusto ko sumali sa SQUAD nyo kaso baka ikahiya mo ako dahil mababa pa ang aking ranggo at mababa pa ang chance ko para sayo.Kaya nasubok ako sa pagiging solo, solo sa paggawa ng paraan para magustuhan mo ng totoo.Hanggang sa eto na nga naabot ko na ang pinakahinihintay ko, ang MYTHIC 1star, pero sa huli ay wala parin palang tayo kahit naabot ko na ang pinakamataas na ranggo,dahil ang star mo isang libo at yung saken back to zero dahil natalo...Dahil ang VICTORY sa larong to ay parang pagrereply mo sa bawat chat ko at ang DEFEAT naman ay parang pagpilit ko sayo para lang replyan mo ko👇click thx