"PINAPILI KITA KUNG AKO BA O SYA"

272 10 0
                                    

Mahal, nandito na tayo sa puntong pinapapili na kita.
Pinapapili kita kase biglang dumating yung sya.
Yung dumating sya nung time na mahal pa natin ang isa't isa.
Pero biglang nag bago yon kase sumaya ka sakanya.

Akala ko ba, ako lang ang mamahalin mo?
Akala ko ba, ako na ang pang ALTAR mo?
Akala ko ba, ako na ang huling babae mo?
Akala ko ba, ako na ang huling mamahalin mo?
Pero bakit bigla mo kong iniwan sa relasyon na to?
AKALA KO LANG PALA TO.

Mahal? ako ba sayo'y nag kulang?
Kung hindi, bakit ako ay iyong iniwan?
Relasyon pala nati'y may hanganan.
Nangako kapang sa relasyon nato'y walang iwanan.
Pero ikaw lang rin naman ang bumitaw at nangiwan.

Wag kang mag taka kung bakit bigla nalang rin akong sumuko.
Siguro napagod narin ako.
Lahat tiniis ko manatili ka lang sa buhay ko.
Pero hanggang dito nalang ang relasyon nato.
Dahil may nag papasaya na sayo, at hindi na AKO.
Kaya eto na ang huli, eto na ang ating DULO.
PAALAM mahal ko.
👇click thx

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon