gaano ba katgl?

145 3 0
                                    

Gaano na ba katagal mula noong pinaalis kita?
Pinilit mong manatili kahit pinagtulakan ka na
Ginawa ang lahat para lumisan ka at naiwan akong nag-iisa.
Mahina. Luhaan. Sugatan.
Hindi makatayo sa sariling mga paa.
Pero ang lahat ng mga sugat na ito ay galos lamang kumpara sa mga latay na aking natamo
Noong ako ay nasa piling mo.
Sa kabila ng lahat ng pait nais ko pa ring magpasalamat.

Dahil sayo marami akong mga aral na hindi malilimutan.
Natutunan kong dapat maging makabuluhan ang aking buhay.
Gumawa ng mga bagay nang taos-puso.
Kabutihan ng kalooban ang tignan at hindi kaanyuan.
Hindi pagmamahal kung puro hinagpis lamang.
Pangalagaan ang dangal at panindigan ang bawat salita.
Ipaglaban ang tama kahit lumalabang mag-isa.
Respetuhin ang lahat ng nilalang, babae man o lalaki.
Magtira ng respeto para sa sarili.
Pangalagaan ang tiwalang sayo ay ipinagkaloob.
Pahalagahan ang mga lumilipas na panahon
Dahil ito ay hindi na muling maibabalik pa.
Maraming salamat sa lahat ng iyong pagkakamali
Dahil doon, ako'y nagising at bumangon.

Ako ang Katipunan.
Bawat bayaning nag-alay ng buhay para sa kalayaan.
Bawat Pilipinong sumigaw ng katarungan.
Ikaw na dayuhan
Nilapastangan mo ang minamahal kong bayan
Baon ang mga aral na iyong iniwan
Muli akong bumangon
Taas-noong hinarap ang mundo
Hinding-hindi na muli magpapa-api sa kahit na sino.
👇click thx

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon