Ito, ito nanaman ako.
Gumagawa ng isang tula para sa isang tao.
Isang taong nagbibigay inspirasyon sa isang katulad ko.
Nagbibigay kulay at bumubuo ng araw ko.Ikaw, ikaw ang syang bumuhay muli.
Ikaw ang syang nagpasigla muli
Ikaw ang syang nagpatibok muli sa puso kong nawasak dahil sa isang pagkakamali.
Ang puso ko ay natutong magmahal muli dahil sayong matatamis na ngiti.Mga ngiti mong kaakit-akit,
Kaya ang puso ko'y umibig kahit na saglit.
Kahit na saglit palang kita nakita.
Kahit na saglit palang kitang naka sama.
Kahit na saglit ko palang narinig ang boses mong napakasarap pakinggan na di ko malilimutan at hanggang sa panaginip ay aking napakikinggan.Panaginip nga lang ba ang lahat ng ito?,
Dahil parang ayaw ko ng imulat ang mga mata ko.
Ayokong imulat ang isip ko sa katotohanan,
Na sa panaginip lang kita pwede mahagdan.
Na sa panaginip lang kita pwedeng halikan.
Na sa panaginip lang tayo mag-kakatuluyan.Mahal, alam kong nababasa mo ito,
Kahit alam kong mali sana ay pakinggan mo.
Sana'y sa sandaling ito iyong ninanamnam,
Ang bawat talata ng aking pakiramdam.
Pakiramdam ko'y parang nag iiba,
Unti unti ng nahuhulog sayo aking sinta.Tuluyan ng nahulog ang puso ko sayo,
Kaya sana naman wag mong balewalain to.
Wag mong balewalain ang mga nasambit ko sayo,
Wag mong balewalain ang pag-mamahal ko.
Pagmamahal ng isang seryosong tao,
Seryosong tao na handang mag pakatanga para sayo.Tatapusin ko na ang aking tula,
At mag iiwan ng isang kataga.
"Hindi man ako ganun ka gand
Handa ko namang alagaan ang PUSO MO."😍😍👇click thx