Sa panibagong hamon
May paparating na bagong alon
O pwede mong sabayanYung aral ng kahapon
Pwede ka nyang gabayan
Kung ako sayo, tumayo kana
Wag ka nang magpahuliKami ay susunod patungo sa liwanag
Abutin ang tala
Pusong nambabaga
Upang ang lahat ay mamulatSa akin susulat at
Makinig sa aking ulat
Wag mabahala, ako ang bahalaWalang imposible
Sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Hinga lang malayoSama-sama tayo
Alam kong kaya mo
Hanggang sa dulo ng mundo
Huwag kang susukoNagniningning sa kalangitan
Pagsubok ay kayang lampasan
Kahit abutan man
Ng bagyo at ulanNarito paring handang magsikap
Upang makamit ang mga pangarap
Dahil ito'y lubos na katanggap-tanggap
Sa sariling kilos na sobrang maagapWalang sususko
Sige lang ng sige
Tayo'y tumakbo
Hanggang sa katapusan ng mundoSarili'y iahon
Sa anumang ahon
Dahil ito'y magkakaroon
Ng magandang pagbangonBuhay may umunlad
Sa iyong mga palakad
ito'y ilalahad
Sa mga taong may pangarapDahil walang imposible
Ito'y hindi binibili
Kahit man ng isang pulubi
Kaya tayo'y maging responsable
Sa mga gawaing mabutiIpagpatuloy ang nasimulan
Sa maayos na paraan
Dahil walang hahadlang
na kahit sino manPaghandaan ang anumang bagay
Sa lahat ng oras mayroong gumagabay
Nandiyan lang siya na nakabantay
At hinding-hindi mawawalayMinsan darating ang kahapon
Na may dalang pagsubok at hamon
Isabay man ito sa alon
Mananatiling aahon
At magsimulang bumangonLubid na pwedeng kapitan
kahit na ikay nahihirapan
Mas lalo mo pang tatagan
Dahil sa puso't isip mong may patutunguhanSakay lang sa agos ng tubig
Sumaboy sa simoy ng hangin
Lumundag sa bangin na puno
At lumipad sa pangarap
Na hinding-hindi matitibagNgayon sisikat ang haring araw na may dalang liwanag
Sisimulan ang hakbang
Patungo sa magandang paraan
At tatapusin sa maayos na kinabukasanPatungo sa masaya
At doon liligaya
Sa bigay na biyaya
Ng ating diyos na nilikhaGawing isang ehemplo
Ang pangarap na natamo
Dahil itoy nakuha mo
Sa kabutihan ng iyong pusoSa maraming naabot
Ay huwag makalimot
Tumingin din sa pinanggalingan
At yuon lagi ang tatandaan
Salamat sa lahatKaya pangarap na walang katapat
Kundi ay ang tumupad
Sige lang ng sige dahil walang imposible.👇click thx