Ako,ako ay isang simpleng tao. Mayroong ginagawa bawat minuto. Paulit ulit lang ang buhay ko. Gawa doon , gawa dito. Mukhang di na magbabago ang takbo. Ito na ata ang aking kapalaran. Isang tao sa kuwentong walang katuturan. Isang tao na hindi na magbabago pero teka parang nagkakamali ako. May isang diwata na dumaan sa harapan ko. Kinusot ko ang mga mata ko para malaman kung nananaginip lang ako. Kung ito'y panaginip man, sana'y hindi na ako magising pa. Teka nahuhulog na ba ako sa kanya. Parang una kitang makita ay nahumalingan ko na. Parang kanina lang buhay ko'y walang kwenta. Pero sa isang iglap lang ito'y nag iba. Ikaw,ikaw ang aking pinapantasya. Ikaw ang gusto kong makuha. Ikaw ang nakita kong diwata nung isang araw. Walang iba yun kundi ikaw. Ikaw ang siyang laging laman ng isip. Gusto ko sana hanggang sa panaginip. Panaginip na ikaw lang ang kasama. Kasi dun ako sasaya. Panaginip na makatotohanan. Panaginip na totoo ang mga tauhan. Ikaw din ang nagpapasaya sakin. Yung tipong kahit bituin ay aking susungkitin. Teka parang nagiging masyadong malalim. Tulad ng paghangad ko sayo , mahirap abutin. Isa ka sa nga palang bituin sa langit. Di basta basta masusungkit. Kailangan pinaghihirapan at pinagtutiyagaan. Kinausap kita ng ilang linggo , buwan o taon. Siguro.nahalata mo na iyon. Na nagkakagusto ako sa iyo. Na nagkakagusto ako sa babaeng tulad mo. Pero bakit parang nagsimula na ang hindi mo pagpansin sakin. Bakit sa chat ay madalas mo akong iseen. Gumagawa na nga ako ng paraan para ikaw ay kausapin. Pero bakit ang manhid mo parin. Yung parang dati na mainit ang paguusap. Bakit biglang lumamig na lang ng kusa. Ano ba problema sakin? Masyado ba akong papansin. Kaya pala madalas mo akong iseen. Kaya't ayaw mo rin akong kausapin. Ikaw ang diwatang nagpapasaya sakin. Ikaw rin ang magpapabagsak sakin. Magpapabagsak sa mga pader ko. Pero napakadali mong winasak gamit ang puso mong bato. Napakamanhid mo naman. Parang wala kang nararamdaman. Ganyan ka ba talaga o sinadya mo lang talaga. Kung ganon eh! hindi na ako aasa pa. Magmumukha lang akong tanga. Ayoko mangyari yon. Lalo na kung sa iyo ako mag eemosyon. Tayo,ay wala palang tayo. Yung dating pinapangarap ko. Nasira ng dahil sayo. Magiging tayo sana kung di ka manhid. Magiging tayo sana kung sakin ka nakatingin. Kaso wala nasa iba ang iyong pansin. Yung tipong nasa likuran mo na nga ayaw mo.pa ring lingunin. Ano ako isang pader lang. Kapag ika'y nahihirapan ako ang iyong sasandalan. Pero itong pader na ito ay nahihirapan. Dahil ang tingin mo sakin ay isang kaibigan lang. Pagkatapos nun ay parang wala lang. Gusto ko sanang maging tayo. Kaso wala nasa iba ang atensyon mo. Yung dating pinapangarap ko naging isang delubyo. Gusto ko sanang maging tayo. Kaso iba ang hinahabol mo. Pagod na pagod na ako kakahabol sayo. Kaso wala talaga eh nasa iba ang puso mo. Gusto ko sana na mahalin kita. Kaso wala bigla mo na lang giniba. Yung dati kong puso kong bitak bitak. Sa halip na buuin ay lalo mo pang winasak. Kala ko ay nasa langit na ako. Kaso wala biglamg lagapak sa impiyerno. Kala ko isa kang diwata. Siya rin pala ang hahatak sakin pababa. Yun yon eh puro na lang akala. Yung tipong akala mo kayo na. Eh masasaktan ka rin pala. Sabi nga ng matatanda. Maraming namamatay sa maling akala. Kaya pala ako ay nasaktan ng sobra. Kasi akala ko ako'y magiging masaya sa piling niya. Eh kabaliktaran pala. Dito ko na tatapusin ang aking tula. Sa isang talata. Ako ay nagpakatanga ng sobra sobra. Ako ay nasaktan ng higit pa sa iyong inaakala at ikaw ang may sala. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nawasak. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkabitak bitak. Tayo,di ko na itutuloy ito wala kasing tayo. Kaibigan lang pala ang turing mo sakin. Kung ganon eh tatapusin ko na kung anong meron satin.
👇click thx