Simula noong bata pa ako, meron akong isang human size na manika. Kulay dilaw ang mga buhok nito at tsaka bilugan 'yung mga mata. Nakangiti lang s'ya, minsan ang creepy creepy nya tingnan. 'Di ko nga alam kung saan banda ako nakyutan sa bagay na'to noong bata pa ako. Nagliligpit ako ng gamit no'n nang tawagi ako ni mama.
"Jessa 'yung mga sinampay sa labas ikaw kumuha?"
"ah hindi po."
"Eh bakit nasa loob na'to lahat?"
Tinignan ko ang tinuro ni mama at tama s'ya lahat ng sinampay eh nasa sala na lahat at nakatupi na. 'Di ko alam pero napatingin ako sa Manikang nakadisplay lang malapit sa TV.
"A-Ah oo ma ako pala nakalimutan ko hehe."
"Ah oh sige, nakakapagtaka naman. Kakadating mo lang galing trabaho hindi ba?"
"Opo ma bakit ano'ng nangyare?"
Kita sa mukha ni mama na naguguluhan s'ya.
"May mga lutong pagkain kasi sa kusina, tapos may isang pinggang gamit na at halatang kakagamit lang."
"A-Ako po nagluto tsaka kumain--"
"Wag kang magsisinungaling. Allergic ka sa hipon paano'ng ikaw ang kumain?"
Sa pangalawang pagkakataon ay napatingin ulit ako sa manika. Kinikilabutan ako sa klase ng ngiti nya. Hindi kaya nakakagalaw s'ya?
Matapos ang pangyayaring 'yun eh kumain nalang si mama at ako naman ay dumiretso nalang sa kwarto. 'Di maalis sa isip ko 'yung manika.
"Should I get rid of that thing?"
Napabangon ako sa pagkakahiga nang may marinig akong kalabog sa cr. Abot abot ang kaba ko, kinakabahan man ay hinakbang ko ang mga paa ko at naglakad patungo sa harap ng cr. Hinawakan ko ang door knob tsaka iyon pinihit at sa pagbukas ko ng pinto ay para akong maiiyak. Kitang kita ko..
Kitang kita kong masaya na s'ya ngayon, pero hindi na sa'kin, dahil na sa iba.
