Sariwa pa ang lahat ng emosyon na aking naramdaman
Simula sa simula, hanggang sa katapusan
Kaya hayaan mo rin akong isalaysay sa kanila ang ating pagmamahalan, sa aking pamamaraan
Hindi mo na kailangang itanong kung naaalala ko pa
Dahil ng una kang masilayan ng aking mga mata
Kagawapuhan mong taglay ay agad kong napuna
At sa pagtatagpo ng paningin nating dalawa
Hudyat na pala na magsisimula na ang isang giyera
Hindi mo na kailangang itanong kong naalala ko pa
Tayong dalawa ay hindi pwedeng magkasama dahil mainit ang dugot natin sa isa't-isa
Bully ka at ako ang iyong numero unong biktima
Biktima na walang magawa, tila kayabangan ko, sayo ay di umubra
Hindi mo na kailangang itanong kung naaalala ko pa
Na palagi natin nagiging karamay ang isa't-isa, tuwing may problema
Na kung kailangan ko ng kausap, ikaw ang nahahagip ng aking mga mata
Nagkataon lang ba o sadyang nakatadhana?
Gayong may namamagitang digmaan sa ating dalawa
Hindi mo na kailangang ipaalala
Na parehong puso natin ay nakatali sa iba
Di ko maitatangi na puso natin ay parehong naghahanap ng kasagutan
Bakit tayong dalawa ay umuwing luhaan dala-dala ang pusong wasak at sugatan
Hanggang isang araw nagising na lang ako, bigla nagbago ang iyong pakikitungo
Ngisi sa labi ay napalitan ng mga matatamis na ngiti
Kislap sayong mga mata, sa mga mata mong mapupungay ay hindi na maikubli
At hindi ko akalain na dadating tayo sa puntong, sa akin, ikaw ay magkakagusto
Ang katotohanang ito ay hindi pwedeng maging totoo
Gwapo ka at malakas ang dating
Hindi madali, pero aaminin kong hindi ka mahirap gustuhin
Pasensya ka na, humihingi ako ng pasensya kung puso mo'y di ko pa kayang saluhin
Pasensya ka na, dahil wala akong nararamdaman sayo ni katiting
Pasensya ka na dahil sa aking nakaraan, sa puso ko, siya'y may puwang pa rin
Nawindang ang mundo ko ng sabihin mo sa harapan ko ang mga salitang, 'oo taguro may gusto ako sayo'
King ina, seryoso ka ba talaga?
Gusto ko tuloy paulit-ulit na mapamura
Kung tulog ako ay gusto ko ng magising at ihinto ito
Dahil ramdam na ramdam ko ang pagiging totoo mo
Pero hindi pwede, hindi to pwedeng maging totoo
Kilala kita, nakilala na kita, sa lakas ng sapak mo, pakiramdam ko tinitrip mo lang ako
Ngunit tila pinaglalaruan ako ng tadhana
Dahil naging tayo, oo naging tayo
Dahil nakuha mo ang matamis kong 'oo' dahil ito ang nakapusta sa ating laro
At di ko man gustuhin, mahirap mang tanggapin
Masakit mang aminin, puso ko ay ikaw na ang hinihiling
Sa tingin ko gusto na kita, at gusto na kitang angkinin bilang akin
Ikaw, oo ikaw na alagad ni Britney Spears, oo ikaw na hinahabol ng mga puso at nag-iisa kong bading
Gusto kong buong-buo na maging akin
Parang gusto ko manapak ng tao, kapag ikaw ay nakikitang nasasaktan
Hindi mo lang alam, bala ay handa kong harangan
Hindi mo lang alam, sa giyera ay handa akong makipagbakbakan
King ina, kahit gaano ako kaangas, ikaw pa rin ang dahilan kung bakit nauubos ang aking lakas
Dahil mahal kita, at patuloy kitang mamahalin
Hanggang sa pagmamahalan natin ay sinubukan, tinitingnan kung tayo ay hanggang saan
Hindi ko naman sinasadya na ika'y saktan
Kailangan ko lang talaga siyang samahan, hindi ibig sabihin siya ay aking babalikan
Kaya't sana huwag mo akong sukuan, dahil puso ko ay hulog na hulog na sayo ng tuluyan
At sa higpit ng yakap mo, kailanman ay hindi ako natuwa
Pero ngayon, mahigpit na mahigpit na pero kulang pa
Kung pwede ko lang sana sabihin na yakap mo ay mas higpitan pa
Dahil alam ko, oo alam ko na may nag-iba
Hanggang sa sinabi mo ang mga katagang wawasak sa aking puso
Na isang lapit ko pa sa kaniya, ako'y malaya na
Bakit? Hindi ko maintindihan, pero gaya ng sabi mo iintindihin ko rin ang nararamdaman mo
Pero, bakit? Bakit ganun kadali sayo na ako'y bigyan ng kalayaan?
Wala ka namang dapat katakutan, gayong siya ay akin ng nakaraan at ang nakaraan ay nakaraan, di na dapat balikan
Hanggang sa muli tayong nagkaayos na agad din naman palang matatapos
Dahil puso ko ay muli mong winasak at sinugatan
Bakit kailangan mo siyang gawing reserba, para ako'y pansamantalang palitan?
Bakit mo nagawang makipaghalikan, sa mismong aking harapan?
Hindi mo man lang napansin, sa inyo ako ay nakatingin, tuloy sa puso ko ay tumusok ang libo-libong patalim
Bakit ganito? Bakit nangyayari sakin ito?
Sa tuwing kaarawan na lang ba ng taong mahal ko, ay magkakapira-piraso ang aking puso?
At dahil mahal kita, mahal mo ako
Mga puso natin ay muling nabuo
Muli kang hinabol at sinundan ng mga puso
Ngunit lahat ng iyon ay pansamantala, dahil kailangan kitang iwan ng mag-isa
Iniwan kita ng walang sinasabing dahilan
Iniwan kita dahil batas namin ay kailangan kong pangutan
Ako ang nang-iiwan, hindi ibig sabihin na hindi ako nasasaktan
At sa paglipas ng panahon, hinihiling na puso mo ay muling maangkin
Na sa aking pagbabalik ay ako pa rin, sa puso mo ay ako pa rin ang hinihiling
Sana ako pa rin ang mahal mo
Kasi hindi nagbago ang nararamdaman ko
Hindi nagbago at hindi na magbabago
Dahil lahat-lahat sayo ay nakaukit na sa buo kong pagkatao
Ngunit sa aking pagbabalik, bakit ka nanlalamig gayong hindi naman taglamig
Lahat ng pagsisisi ay aking nararamdaman dahil ika'y aking iniwan
Pero sana, naiiisip mo din na ako'y nahihirapan
Dahil hindi ko matanggap na may nagbago, sobra-sobra na handa ka ng palayain ako
Gusto kong bawiin mo, bawiin mo ang mga sinabi mo
Dahil nasasaktan ako, nasasaktan ako higit pa sa inaakala mo
Bawiin mo ang sinabi mo, nakikiusap ako
Gusto kong matawa, matawa ng malakas dahil sa aking katangahan
Bakit di ko agad nasabi ang salitang 'mahal kita', king ina, sa lahat ng sinabi ko sayo, iyon pa talaga ang aking nakalimutan
Pasensya ka na, kung ikaw ay labis kong nasaktan
Huwag kang mag-alala dahil ngayon ay handa na kitang panagutan at di na muling iiwan
Mahal kita, mahal na mahal kita at sayo ay di na kakayanin na mawalay pa
Hindi mo na kailangan itanong kung gaano ka kahalaga, mahalaga ka dahil mahalaga ka
Hindi mo na kailangan itanong kung gaano kita kamahal, mahal kita higit pa sa iyong inaakala
Hindi mo na kailangan itanong dahil lahat-lahat alam mo na
'You'll die if I tell you', ay di ko na masasabi pa
At simula pa lang sa simula, ikaw na si Sensui na hinahabol ng mga puso at ako ang nag-iisang Taguro mo na magmamahal sayo hanggang sa dulo.👇click thx