Nagsimula ang istorya sa kwentong Walang Tayo
Paghanga kung ituring mo at pagkahulog ko sayo
Isip na lito bagama't direksiyo'y hindi kontrolado
Pusong marupok at pinipilit ang salitang magiging TayoNagsimula ang istorya sa pagitan nating dalawa
Dalawang pusong bagama't kulay ay magkaiba, pilit na pinag-iisa
Dinidiin ang tadhana pilit na pinagtatagpo ang distansya ng langit at lupa
Sinimulan sa Salitang 'Gusto kita' at Sinagot ng katanungang 'Bakit Gusto ka Ba'?Hindi ko alam kung anong superpower mo o kung anong gamit mong mahika
Kung bakit sa Bilyon-bilyong tao sa mundo bakit kaya ikaw pa
Milyon-milyong nilalang dun' pa talaga sa taong imposible ang salitang pag-asa
Libo-libong dahilan para iwasan ka pero di ko magawa
Dahil Daan-daang dahilan para masabing 'Gusto kitaC R U S H
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima
Limang letrang katumbas ay inspirasyon at sa aki'y nagpapasaya
Limang Letrang katumbas ay paghanga at pagpapahalaga
Limang Letrang katumbas ay PAASA at PagpapakatangaGusto mo nga, ang Tanong "Gusto ka ba?"
Mahalaga siya sayo, ang Tanong "Pinapahalagahan ka ba?"
Mahal mo ng Sobra, ang Tanong "Bakit Minahal ka ba?"
Ba't kasi ang hirap tanggapin ang salitang 'Wala kang ImportansyaPero bago ko tuldokan ang aking tula
Hayaan mo akong pumikit kasabay ng aking buntong-hininga
Kasabay ng ulan ay ang pagpatak ng aking luha
Dahil ang totoo, akoy Manunulat lamang na naging Tagasulat ng istorya niyong Dalawa