Para sa mga taong Umasa na, Umasang hanggang dulo na, ngunit asan na?
Minsan naisip ko kung ako nalang sana, ako nalang sana yung kasama mo sa twina, yung mahal na lagi mong inaalala
Akala ko ako na, ako lang pala yung magmumuk habang inaalala mga alaala mo, mga alaalang sabay nateng ginawa sa kahapon ko,
Mga alaalang ako lang din pala ang mananatili dito,
Sana hindi kana tumulong , tumulong na gawin yung mga bagay na hindi mo kayang isulong, Pero salamat sa mga alaalang ibinahagi, na hindi lahat ng nagmamahal nagwawagi.
akala ko talaga ako na e, oo tama ako na nga, ako na yung mag isang nangangarap na muling mahagkan ka, lalaking umaasang babalik ka pa,
Kay sarap isiping masaya ka na, kay hirap lang tanggapin na sa piling ng iba,
kung maibabalik ko lang ang nakaraan , nakaraang punong puno ng kasiyahan, nakaraang mayroong ikaw at ako na matatawag na tayo, na may pag kakataong ilahad ang pag mamahal ko sayo,
Tanging ang instrumentong papel nalang at panulat, ang makakapaglahad ng damdaming hindi na maawat,
malapit ko nang tapusin ang aking saloobin, saloobing akala ko ako na ang iyong mamahalin,
hayaan mong mailahad ng walang pag aalinlangan, damdaming nag uumapaw sa kasalukuyan, kasulukuyang hanggang ngayoy mahal kapa ,
Mayora? Master? Mylabs? Mga pangalang nakatatak sa puso ko, paulit ulit na sumasagi sa isip ko,
Sa isip kong nag uutos na burahin ang alaala mo, ngunit ibang iba sa sinasabi ng puso ko,
Nananabik sa mga yakap mo, yakap mong ramdam kong mahal mo ako
Hindi mapigilang mga mata'y sulyapan ka, pusoy bumibilis pag nasisilayan ka,
Nagmamahal pa nga ba ko o nababaliw na, nangangambang sa pagsusulit pangalan moy maisagot na, Masaya kong nakilala ka munting prinsesa,
Prinsesang hindi ako yung prinsipeng kasama,
Mahal itutuloy ko pa ba ang sulat? Oh aalisin ang lahat ng alaala pag mulat?
Pag mulat Ng mga matang nag lalawang parang ilog
Sa bawat gabing hirap sa pag tulog
May pag asa pa ba kong pang hahawakan?
Kung nakikitang maligaya kang hindi ako ang dahilan,
Sa huling mensaheng aking ipababatid,
Oh sa huling hantungan na akoy tatawid,
Kung mabubuhay sa uulitin,
Ikaw at ikaw parin ang pipiliin,
Nabuhay man sa akala,
Salamat dahil ikay nakilala 😍👇click thx