DATI

169 2 0
                                    


Maibabalik pa bha?
Ang dati nating pagsasama
Noong tayo ay masaya pa
Sa piling ng isa't isa

Yung paggising ko sa umaga
Na merong mahabang message na nababasa
At ako'y namumula sa sobrang saya
Dahil ang message na yun ay mula sayo sinta

Namimiss ko yung mga salita na
Kumain kana bha? wag kang mag papagutom huh!
Mag ingat ka huh! kasi  papakasalan pa kita
Pangako ko yan sayo kaya itatak mo yan sa puso mo

Pero saan na bha ang mga pangakong ito?
Saan na bha ang taong nangako nito?
Yan ang mga tanong na di maalis sa isip at sa puso ko
At bigla nlng napatulo ang mga luha ko

Saan kana bha?
Bakit bigla kang nawala?
Nagbago ka nga bha talaga?
O sadyang may bago klng talaga

Gustong gusto ko talagang ibalik ang dati
Na may mga ngiti sa ating mga labi
Magkausap sa araw at gabi
At ikaw ang laging katabi

Pero paano  ko pa maibabalik?
Kung ikw mismo di na bumalik
Kasi meron na akong kapalit
Dyan sa puso mo na hanggang ngayon ako'y sabik na sabik

Akala ko ba sa akin kalng sasaya
Akala ko ikakamatay mo pag ako'y nawala
Sabi mo pa nga di mo ako ipagpapalit sa iba
Eh! ano tu ngayon ang nakikita ko? meron kanang kasamang iba

Siguro nga di na maibabalik ang nakalipas na
Kasi nga diba?
Meron kanang iba
Kaya wla na akong magagawa pa

Dahil mahal kita
Hahayaan nlng kita na maging masaya
Maging masaya sa piling ng iba
Paalam na aking sinta papalayain na kita

👇click thx

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon