Ipipikit ang aking mga mata
Upang mapaalam sa buwan at mga bituin
Kung gaano mo ako pinasaya
Noong panahon na ang nakikita lang ay dilim
Oo, minahal kita ng palihim
Pero siguro nga hindi ka matutuwa
Kapag nalaman mo na ako ay may pagtingin
Bakit?
Yan na lamang natanong sa sarili
Bakit hindi masabi sayo ang nilalaman ng isip at puso
Bakit hindi mapaliwanag lahat ng ito sayo
Ilang beses ko nang kinabisa
Aabot na siguro sa isang daan at labing isa
Pero tuwing kaharap kita ang nasasabi ko lang ay
Kamusta ka?
Okay ka lang ba?
Kumain ka na ba?
Matulog ka na.
baka sakali maging marupok ang puso mong manhid
Baka sakali pag gising mo ako na ang iyong nasa isip
Baka sakali ako ay iyong mapansin
Baka sakali ako ay iyong mahalin
Pinilit na ngumiti kahit ako ay humihikbi
Dahil baka sakali, baka sakali
Kapag nakita mo ako na nakangiti
Ay malaman mo kung gaano ako kasaya
Kapag ikaw ang kapiling
Pero wala,
Wala na akong magagawa
Masaya ako sayo
Pero masaya ka sa iba
Kaya ako ngayon ay mistulang tanga na nagparaya
Minulat ang mga mata
Mukha ko ay punong puno ng luha
Nakatulala sa mga tala
Iniisip ang sana
Sana masaya ka
Kasi mas okay ng masaya ka
Kaysa ako lang ang masaya
Sana nandito ka
Kasama kong humihiling sa tala
Ngunit alam ko mag kaiba tayo ng nais na hilingin
Alam ko wala akong pag asa kahit ako ay manalangin
Kaya yayakapin ka na lang sa hangin
Pagmamasdan ka sa iba dahil hindi ka akin
Pagmamasdan ang iyong mga ngiti
At kung masaktan ka man niya
Nandito lang ako sa isang tabi
Laging nakaantabay sa bawat sandali
Magiging iyong tagapag-pangiti
