Mahal huli na ba?
Mahal naalala ko pa yung time na sinabe ko sayong gusto kita,
nung sinabe ko yun sayo nung una. Sinabe ko sayong nagustuhan kita kase iba ka kahit na alam kong gasgas na gasgas na yung linyahang yun, kase nga yun ang nakita ko sayo, yun yung katangian mo na hinangaan ko, di kapanipaniwala pero nagustuhan ko lahat ng kabaliktaran ng ugali mo, pero mas nagustuhan ko yung positive side mo. Ang saya ko noong naamin ko lahat sayo parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko. Kaya nga nagdesisyon akong ligawan ka at iparamdam sayo na mahal kita, pero nalaman kong marami pa lang nagkakagusto sayo, natakot ako nung una pero sinubukan ko pa rin kahit na alam kong walang siguradong magandang resulta sa gagawin ko.
Dumating tayo sa kinatatakutan ko, dumating yung point na nagselos ako kahit di naman tayo, kase nga nakita ko na ang saya nyo habang naguusap at kumukuha ng litrato, bumigat yung dibdib ko kaya nagdesisyon akong umalis na lang para lang di Makita yung pagiging masaya nyo at para mawala yung sakit ng puso na nararamdam ko. Dun narealize sa sarili ko na ang sakit pala masaktan kahit di naman tama kase nga wala naming tayo. Dumating ang gabi at tinanong mo ko, tinanong mo ko kung bakit maaga pa lang umalis na ko, kaya sinabe ko sayo lahat ng naramdam ko nung time na nakita ko kayo sa harapan ko masayang nagkukwentuhan. Kaya dumating sa point na iniwasan kita kase nga akala ko wala akong pag asa sayo, iniwasan kita kase ayoko ng masaktan habang nakikita kong masaya ka sa iba, pero isang araw chinat mo ko at tinanong kung bakit iniwasan kita, at sumagot ako sayo ng mga salitang negatibo, negatibo kase nga naisip ko na di ako bagay sayo, hindi pwede yung isang katulad ko na simple lang na tao. Kaya halos araw araw dinaan ko na lang sa poetry lahat ng nararamdaman ko, dun ko inilabas lahat ng damdamin ko na nagsusumamo sayo.
Tinanong mo ko kung sino yung mga tinutukoy ko sa mga poetry na pinopost ko, ayoko sabihin sayo nung una pero pinilit mo ko kaya napaamin ako, napaamin ako na ikaw yung babaeng tinukoy ko sa bawat tula na sinusulat ko. Nasaktan ka kase nalaman mong may isang tao kang nasasaktan, may isang tao na umaasa sayong pagmamahal. Dumating na naman sa point na iniwasan na naman kita at pinilit kong lumayo. Naputol lahat ng mga poetry na ginagawa ko, na para bang tinigil ko lahat ng pagpaparamdam sayo. Pero dumadating parin sa punto na naiisip kita hanggang sa panaginip ko. Kaya muli nagtry akong gumawa ng tula para magpapansin sayo, gumawa ako ng tula na alam kong tatama sayo. At yun na nga ang nangyare at agad agad chinat mo ko at tinanong kung ikaw pa rin ba yung babaeng tinutukoy ko sa poetry na pinost ko. Hindi na ko nagpaligoyligoy at sinabe ko sayong OO, oo na ikaw pa rin yung taong tinutukoy ko, di ko inasahan na sasabihin mo saken na ako pala ay iyong gusto, inamin mo saken na akoy mahal mo na rin, ang saya saya ko nun, tumatalon yung puso kong sabik na sabik sayo, sa mga sumunod na araw ng umpisa na ang ating kwento na halos araw araw masaya tayo sa kung anong meron tayo, kahit walang label tayo, kase pinili naten na wag munang madaliin ang lahat at magenjoy muna kung anong meron tayo, pero unti unting bumagsak ka saken at di kita nasalo kase natakot ako at inisip ko na kapag naging magkaibigan na lang tayo dun tayo sasaya at dun walang makakapaghiwalay sa ating dalawa, alam kong di sapat na rason yun para sayo. Kaya inakala mo na meron akong iba kaya di ko napanindigan lahat ng mga salita na binitawan ko nung una, nasaktan kita at pinaluha. Na akala ko yun ang mas makakabuti saten pero di pala. Mas nangibabaw kase saken yung takot na baka mawala ka. Pinanindigan ko yun lahat kahit na alam kong di yun ang gusto ko, na hind yun ang pangarap ko para sa ating dalawa, kaya kahit masakit tuluyan kitang pinalaya, kahit na alam na ako yung di makalaya sa mga salitang mahal kita, tuluyan kong pinaramdam sayo na hanggang kaibigan na lang kita kahit pilit mong pinararating saken na ako parin ang nandyan sa puso mo sinta. Nagsawalang bahala ako na mapunta ka sa iba. Pero eto na nga may taong desidido na mapasakanya yung matamis mong oo, akoy nasaktan nung pumunta tayo sa bahay ng dalawang old member ng karibok na ikakasal, nakita kong kasama mo sya, na habang pinararamdam nya na mahal ka nya, ano magagawa ko kundi magkunwaring masaya nung time nay un, magkunwaring okay lang lahat pero hindi eh, naging malungkot ako sa isang tabi habang iniisip na ang tanga tanga ko kase pinakawalan kita. Kahit na alam ko sa sarili kong mahal na mahal kita. May taong nakakita saken at naramdaman na ganun yung nararamdam ko nung time nay un, tinanong nya ko kung bakit daw pinakawalan kita, botong boto pa naman daw sya saken, at napasagot na lang ako na natakot ako sa posibilidad na maghiwalay lang tayong dalawa. Na mas pinili ko kung san tayo tatagal dalawa. Umuwi ako na nagkukunwaring masaya kahit deep inside ang sakit sakit na. lumipas na naman ang araw at gabi pero wala akong ginawa, na sa bawat pagkakataon di ko magawa na sabihin lahat sayo, kase alam kong masaya ka na sa kanya, kase ayoko ng gumulo pa yung utak mo na alam kong sobrang problemado na. pero sa huling pagkakataon siguro kung eto man yung huli magiging matapang ako na sabihin sayong mahal na mahal kita simula pa lang nung unang pahina, simula pa lang ng kwento nateng dalawa na pinutol ko kase naging makasarili ako. Sana ngayong alam mo na hindi ako humihiling at nagmamakaawa na balikan mo yung pagmamahal mo saken, gusto ko lang iparating sayo kung ako pa rin dyan sa puso mo pwede bang (ako na lang ulet?) sana di pa talagang huli yung sa ating dalawa.👇click thx