"
nagsimula ang storya ng una kang makita,
sabay pasimpleng tinanong ang iyng pangalan kaht nkakahiya.
na kahit nakakahiya binitawan ang mga linyang "alam ko na ang dahilan kung bakit ako nandito"
upang makilala ang isang babaeng tulad mo.sa simpleng mga hirit di ko na namalayan at napansin,
sa bawat araw na nanjan ka sayo laging nkatingin.
unti unting nahuhulog ang puso kong bato sa tulad mo,
tulad mo na simpleng babae na muling nagpatibok nito.ilang oras at araw ko ring tinipon ang lakas ng loob ko,
masabi ko lng ng dritso ang mga katagang gusto kita kaht alam kong d mo ako gusto.
alam kong ang mahalin ka ay malaking sakripisyo,
sapagkat sa umpisa palang alam kong my laman na ang iyng puso.alam ko sa istoryang ito hindi ako ang totoong bida,
dahil ang puso mo ay my mahal ng iba.
masakt isipin masakit tanggapin
kahit anong gawin ko hndi ka magiging akin.sadyang tadhana nga naman ay mapaglaro
minahal pa naman kita ng totoo walang halong biro.
ako lng pala ang pinana ni kupido
kaya heto aq ngaun nagdurugo ang aking puso.habang papatapos na ang storyang ito,
inaasam ko na kaht konti mahalin mo rin ako,
subalit napaka imposible na mahalin mo ang isang tulad ko,
dahl sa umpisa palang ng storya alam kong hanggang kaibigan mo lng ako. 😞😞😞