Wala akong malapitan, makapitan at masabihan,
Nag-iisa lang ako at ito ang aking nararamdaman,
Sa bawat hirap na aking pinagdadaanan,
Sa lahat ng sakit na aking pinagtitiisan,
Halos sumuko na ako at bumitaw na ng tuluyan.Isang laban na alam kong laban nating dalawa,
Pero bakit ikaw ay nawala na para bang gusto mong makawala,
Nangako kang lalaban tayo kaya dapat ako ay maniwala,
Hindi ka mawawala iyan ang sabi mo kaya ako ay nagtiwala,
Pero bakit nandito ako ngayon na naiwanang walang-wala.Bakit mo ako iniwan?
Bakit mo ako sinasaktan?
Bakit mo ako pinapahirapan?
Bakit mo ako pinabayaan?
Bakit puro tanong na lang at wala ng kasagutan?Umagang puno ng pangamba,
Tanghaling puso ko ay puro kaba,
Hapong nag-iisip kung andyan ka pa ba,
Gabing luha lang ang sa mga mata ko ay nagpapakalma,
Sa panaginip ko na lang ba matatagpuan ang saya?Masyado kong inisip ang hirap,
Ang mga mata ko ay halos hindi na kumurap,
Pinanghawakan ko ang mga bagay na kinuha mo sa isang iglap,
Pansamantala lang pala ang ligayang binigay mo sa akin sa alapaap,
At ngayon nga'y bumagsak na ako at hindi ko na maabot ang mga ulap.At habang palayo nang palayo ang agwat ko sa mga ulap,
Unti-unti ko ring nararamdaman na ang pagbagsak ko ay masaklap,
Saan pa ba ako kukuha ng lakas kung kinuha mo na rin pati ang aking mga pangarap,
May lakas pa ba ako para ang bukas ay aking maharap?,
Dahil sa oras na habang ako ay bumabagsak dama ko ang hirap.At sa pagbulusok ko pababa ikaw pala ay nakaabang at handa akong saluhin,
Hindi ko ito naiisip dahil sa hirap ay nagawa kitang limutin,
Nagkamali ako sa paniniwalang ako'y iyong pinabayaan,
Dahil ang totoo ay ikaw ang aking napabayaan,
Ako talaga ang nawala dahil hindi mo naman talaga ako kinalimutan.Wala nga palang sukatan ang pag-ibig mo sa sanlibutan,
Ang pagsubok nga pala ay dadaan sa buhay ninuman,
Kaya dapat kong ipagpatuloy ang sinimulan nating laban,
Nahihiya ako sa aking pagsuko at kahinaan,
Pinagdudahan ko pa ang tiwala mo sa akin na ito ay malalampasan.Kaya ngayon babangon akong muli,
Tatayo ako hanggang sa huli,
Dahil ikaw, naniniwala ka sa akin,
Dahil ikaw, nagtitiwala ka sa akin,
Kaya isusuko ko na sayo ang lahat ng sa akin.At sa pagsuko kong muli sa iyo,
Hindi na ako magtatanong ng kahit ano,
Magtitiwala na lamang ako sa gusto kong plano,
Dahil alam kong alam mo kung paano umiikot ang mundo,
At hahayan kong mangyari ang lahat mg nais moHindi ka nawala dahil ako ang nakawala,
Hindi ka nawala dahil ako ang hindi nagtiwala,
Hindi ka nawala dahil ako ang hindi naniwala,
Hindi ka nawala dahil ikaw si Bathala.- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -