...
Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan
Dahil hindi ko pa naman nararamdaman ang pagmamahalan
Ang pagmamahalan na napunta sa sawian
Sawian na hindi mo alam kung susuko ka na ba ng lubusan
Susuko ka na ba ng lubusan o makikipaglaban ka ng patayan
Patayan na hindi mo alam kung may kasiguraduhan
Kasiguraduhan kung magiging kayo ba ng tuluyan
O maiiwan kang nasasaktan
Maiiwan kang nasasaktan
Dahil hindi ka niya pinagbigyan
Pinagbigyan na ibigay ang pagmamahal na hindi niya kayang palitan
...
Oo alam ko naisipan mong sumuko na lang
Dahil ikaw lang naman ang nagmamahal sa kanya ng lubusan
Hindi nya maibigay ang gusto mong pagmamahalan
Hindi mo naman kailangan magpakatanga sa kanya
Sa kanya na hindi makita ang iyong halaga
....
Halaga na ibinibigay mo sa kanya
Hindi mo naman kailangan magpaka-tanga
Meron naman dyang IBA
Na kaya nyang ibigay ang saya
Saya ng pagmamahal na gusto mong madama
Magiging masaya ka naman kahit wala siya
Dahil may papalit naman sa kanya na mas hihigit pa.
Mas higit pa, higit pa sa ibinigay nya
Ibinigay ng lubusan pero ndi naman natugunan
Natugunan na higit pa sa malayong lugar na walang patutunguhan
....
Patutunguhan na walang katapusan
Walang katapusan na pagmamahalan na hindi nya naman maibigay
Maibigay na iyong hinahangad
Hinahangad na hindi mo makamtan
...
Sana naman sa oras na'to makamtan ko ang aking hinahanap na pagmamahal
Pagmamahal na masaya
....
Sana lagi na lang masaya
Walang halong kalungkutan na nadarama
Sa oras nato ika'y pumalit sa kanya
Sa kanya na ibinigay ko ang pagmamahal na hindi naman karapat dapat
....
Salamat kasi andyan ka para pumalit sa kanya
Minahal moko nang higit pa sa ibinigay ko sa kanya
Salamat Mahal,
Nang dahil sayo nakabangon ako sa sakit na nadarama
Salamat Mahal sana ang pagmamahalan natin ay tumagal pa
Tumagal pa na WALA NANG HIHIGIT PA.
SALAMAT MAHAL SALAMAT.