titig

287 7 0
                                    

Naalala ko pa yung mga titig moy hindi ko maintindihan, Mga titig na Hindi ko malaman kung may katanungan, Mga titig na Hindi ko Alam kong may kabuluhan.  Hindi ko malaman kung maging masaya ba ako dahil naka titig ka, O maging malungkot ba ako, baka may problema ka, Hindi ko malaman kung maging komportable ba ako dahil nakatitig ka sa maganda kung mukha, O maiirita ba ako dahil sa bawat galaw nakatingin ka.  Pero sa bawat oras na tinititigan kita umiiwas ka, Pero sa tuwing nakatingin ka Napapangiti ka, Hindi ko malaman kung akoy nahulog na nga ba sa iyong mga titig, Sa iyong mga titig na may pinapahiwatig.  Hindi ko maintindihan kung pag ibig na nga ba , Hindi ko rin malaman kung ako'y mahal mo nga ba , Pero Hindi ko maiwasang itanong kung pag ibig na nga ba.

Tagalog Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon