Chapter 1: The Transfer Student

263 7 1
                                    

IT'S already one month simula no'ng pumanaw si mama kasama ng nasunog naming bahay sa probinsiya. Kinuha ako ni auntie at dinala niya ako rito sa siyudad para manirahan sa mansion niya. Siya nalang kasi ang natitira kong pamilya. Pumanaw na rin kasi si uncle kasabay ni papa no'ng limang taong gulang pa lang ako. Galing sila sa business trip nang mangyari ang aksidente. Wala akong gaanong alam tungkol sa aksidenteng 'yon at saka walang ibang sinabi si mama sa akin noon. Wala rin akong maalala tungkol sa papa ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ang itsura niya. Kaya no'ng tumira ako sa mansion ni Auntie hiningi ko ang isang litrato ni papa at inilagay ko 'yon sa ibabaw ng mesa ko.

Napanganga ako sa sobrang pagkamangha nang makita ang Angel Clever University. Ang laki ng school building at umaabot iyon sa apat na palapag. Ang ganda rin ng structure nito at saka sobrang linis ng buong paligid. Naka-separate ang building ng elementary, junior high school, senior high school at saka college. 'Di ko akalain na ganito pala kalaki 'tong eskuwelahan.

Today is my first day at Angel Clever University. It's a private school na pagmamay-ari ni auntie. Siya ang nag-transfer sa 'kin dito. I already told her na sa public school na lang ako lilipat dahil sa public school ako nanggaling. But she insisted kaya wala akong nagawa. Pasok ako sa Academic Scholarship kaya wala kaming babayaran. Ang kailangan ko lang gawin ay i-maintain ang mataas na marka na hindi bababa sa 90. Hindi ako sigurado kung magagawa ko 'yon. Mahirap man i-maintain ang gano'n kataas na grades. Pero gagawin ko ang lahat para ma-maintain ang grades na 90 above. Laban lang!

Napalingon-lingon ako nang marinig ko na pinag-uusapan ako ng mga estudyante.

"Transfer student?"

"Baka naman nagkamali lang siya ng pinuntahan."

"Why she's wearing the same to our uniform?"

Napayuko ako dahil sa sobrang hiya. Nanginginig ang buo kong katawan at sinusubukan kong pigilan ang pagluha ng aking mga mata.

"My gosh! Hindi siya nababagay sa school na 'to."

"Mas makabubuti sigurong bumalik na lang siya sa pinanggalingan niya."

Pilit ko pa rin pinipigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Mila, huwag na huwag kang iiyak. Kailangan mong pigilan ang sarili mo. Para ka namang hindi nasanay sa mga ganyan.

Simula pagkabata kinukutya na ako ng mga tao dahil sa kulot kong buhok at morenang kutis. Sinasabi nila na hindi raw ako anak ng aking mga magulang dahil sa aking buhok. My parents had a straight hair habang ako naman ay may kulot na buhok. Sabi ni mama ipinanganak niya ako na may tuwid na buhok. Pero nang tumungtong ako ng Grade 1, na-admit ako sa ospital dahil sa sobrang taas ng aking lagnat. At naging dahilan 'yon upang kumulot ang buhok ko. Namana ko raw 'yon sa mga ninuno namin. Unbelievable!

At first, hindi ako naniwala sa mga sinabi ni mama kahit na alam kong hindi siya nagsisinungaling sa 'kin. Pero may nakilala akong mga tao na nakaranas rin tulad sa nangyari sa akin noon. At dahil do'n pinaniwalaan ko lahat ng mga sinabi sa akin ni mama.

Bigla kong naalala ang bible verse na palaging sinasabi ni mama sa akin no'n.

3 Your beauty should not come from outward adornment, such as elaborate hairstyles and the wearing of gold jewelry or fine clothes. 4 Rather, it should be that of your inner self, the unfading beauty of a gentle and quiet spirit, which is of great worth in God's sight. (1 Peter 3:3-4 NIV)

I closed my eyes and took a deep breath. Saka ako naglakad papasok ng school gate. Hindi ko pinansin ang mga taong nakakasalubong ko. May sinasabi sila pero hindi ko 'yon pinakinggan dahil wala na akong pakialam sa kanila.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon