Chapter 2: Meeting a New Friend

159 7 3
                                    

AFTER morning class, dumiretso ako sa cafeteria para kumain pero wala akong makitang bakante. So, I decided to take out my food at naghanap ng lugar na pwedeng pagkainan. Naglibot-libot ako sa buong eskuwelahan at may nahanap naman ako. Medyo malayo nga lang 'yon sa mga school building kaya tahimik at walang gaanong tao. But it's a perfect place para sa akin. Mas prefer ko talaga ang tahimik na lugar. Makakapag-relax ako at saka wala akong maririnig na kahit ano tungkol sa 'kin. I love this place.

Maraming puno sa paligid at sa 'di kalayuan ay may fish pond sa gitna ng isang malaking hardin na may iba't ibang klase ng mga bulaklak. Sa sobrang ganda mapapa-wow ka talaga. Halos lahat na ata ng klase ng mga bulaklak ay nando'n.

Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno. Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mga mata at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Bigla kong naalala ang tahanan namin sa probinsiya. Marami din kasing mga puno do'n. Madalas din kaming mag-picnic ni mama sa ilalim ng isang malaking puno na malapit sa ilog. Do'n niya ako madalas binabasahan ng bibliya. Minsan nga namimingwit kami ng isda sa ilog. Nakaka-miss ang masasayang araw na magkasama pa kamimg dalawa. And I miss her so much.

Mayamaya, idinilat ko ang aking mga mata. Inilabas ko ang nabili kong bento at saka dalawang tubig mula sa cafeteria. Pagkatapos, ipinikit ko ulit ang aking mga mata kasabay ng pagyuko ng aking ulo at saka nagdasal ng tahimik.

Pagkatapos kong magdasal, idinilat ko ang aking mga mata at iniangat ang aking ulo. Laking gulat ko nang bumulaga sa akin ang mukha ng isang 'di kilalang lalaki. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Nanlaki bigla ang kanyang mga mata kaya 'di ko mapigilang mapatili at muktikan ng matapon ang pagkain ko. Pagkatapos, napasigaw rin siya nang malakas at dali-dali siyang umatras at humingi ng tawad. Umupo siya sa harapan ko at ngumisi. He's cute when smiling.

Napakunot-noo ako habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. I think magka-edad lang kami. He's wearing a uniform na kaparehong-kapareho do'n sa mga estudyanteng napadaan sa harap ng classroom namin kanina. I think he's one of them. Sa pagkakatanda ko Angel ang tawag sa kanila. Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?

"Pasensiya na kung nagulat kita. Ang akala ko kasi nakatulog ka," paghingi niya ulit ng tawad habang nakahawak sa kanyang batok at nakayuko.

Umiling-iling ako. "Wala 'yon," nakangiti kong tugon.

"Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" kunot-noo kong tanong.

"P-puno na kasi ang cafeteria kaya naisipan kong pumunta rito para kumain," tugon niya sabay labas ng mga pagkaing binili niya at saka mabilis na nagsubo sa kanyang bibig.

Bigla akong natigilan at napaisip nang makita ang pagkaing dala-dala niya.

"Dahan-dahan lang, baka mabilaukan ka."

Hindi niya ako pinakinggan. Patuloy pa rin siya sa pagsubo ng pagkain. Ang tigas naman ng ulo ng taong 'to. Siguro kanina pa siya gutom.

"Gwutoym nha gyutum nya kwashi akow," (Gutom na gutom na kasi ako) sabi niya habang may laman ang kanyang bibig.

I giggled. Kapag gutom ang tao, gutom talaga kahit na mayaman ka pa. Ang cute niya talaga. Para siyang batang paslit na hindi pa nakakain.

"By the way, base on your uniform isa ka do'n sa mga estudyanteng tinatawag nilang Angel, am I right?" kunot-noo kong tanong.

Tumatango-tango siya at patuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain sa kanyang bibig.

Bigla akong natigilan at napaisip. "You have different uniform and separated classroom. So, dapat naka-separate din ang cafeteria niyo."

Bigla siyang nabilaukan kaya dali-dali kong binuksan ang binili kong tubig at saka pinainom 'yon sa kanya. Sabi ko naman sa kanya magdahan-dahan lang siya pero hindi niya ako pinakinggan. Ang tigas kasi ng ulo. Mabuti nalang dalawa ang tubig na binili ko.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon