"I'M sorry," mahinang sabi ni Zaito.
"Para saan?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Pinagmamasdan ang mga nadadaanang establishment.
"Sa lahat ng mga nagawa ko," tumigil muna siya saglit sa pagsasalita. "Habang naglalakad kami papuntang school ground kanina, narinig namin ang pag-uusap ng tatlong lalaki na nakasalubong namin. Pinag-uusapan ka nila dahil sa suot mo. Kaya naisipan naming puntahan ka sa cafe. Then, we saw you wearing a maid's uniform."
Nilingon ko siya at nagtama ang tingin naming dalawa.
"It suits you well."
Nagkatitigan kami saglit. Mayamaya pa, ibinalik ko ang aking tingin sa labas ng bintana nang maramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi.
Ano ba, Mila? Hindi mo naman kailangang mag-blush dahil lang sa sinabi niya. Hindi lang naman siya ang nagsabi na bagay sa'yo ang suot mo.
"Halos lahat ng mga lalaki sa'yo nakatigin. Kaya hindi ko mapigilang magalit. Lalo na no'ng nag-cofess ang lalaking 'yon," inis niyang sabi.
Napakunot-noo ako. Nagalit siya dahil lang do'n? Hindi naman niya kailangang magalit dahil nag-confess lang naman 'yong tao. Anong mali ro'n?
Nilingon ko ulit siya.
"Kaya huwag ka na ulit magsusuot ng maiikling damit dahil ayokong pagtitinginan ka ng mga lalaki," utos niya at agad na umiwas ng tingin.
Napaawang naman ang mga labi ko dahil sa mga sinabi niya. Pagkatapos, umiling-iling ako. Ibinalik ko na ulit ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Hindi ka na rin puwedeng magpahatid sa ibang lalaki," dagdag pa niya na ikinagulat ko.
Huh? Pati ba naman iyon?
"KUMUSTA ang pag-uusap ninyo kahapon?" tanong ni Alicia.
I smiled. "Nakakatuwa siyang kausap," tugon ko habang hindi inaalis ang tingin sa ginagawang painting.
Nag-enjoy ako kahit na sandali ko lang siyang nakasama. Ang gaan rin ng loob ko sa kanya.
"Kayo na ba?"
Agad kong nabitawan ang hawak kong paint brush dahil sa pagkabigla. "H-hindi, ah," tugon ko sabay lingon sa kanya.
Ngumisi naman siya. "Talaga? Bakit hindi mo siya i-date? Mukhang mabait naman siya at saka may hitsura." Ipinagpatuloy na niya ulit ang kanyang pagpipinta.
Pinulot ko ang paint brush na nahulog sa sahig at saka ipinagpatuloy ang ginagawang painting. "He's kind, gentle and funny but I'm not the right person for him. He deserve someone better."
"No, he deserve you. He deserve someone like you."
Napalingon ako sa kanya.
"You are beautiful inside and out, Mila." Nilingon niya ako at saka nginitian.
Bigla kong naalala si mama.
"Sana paglaki ko, maging kasing ganda ko po kayo, mama. Sana rin katulad ni papa ang mapangasawa ko," nakangiti kong sabi kay mama.
"Hindi mo kailangang maging katulad ko, anak. Just be yourself. You are beautiful inside and out." Hinawakan ako ni mama sa magkabilang balikat at iniharap sa salamin. "You are fearfully and wonderfully made," nakangiti niyang sabi. Pagkatapos, kumuha siya ng suklay at inayos ang buhok ko. "Darating din ang araw na makikilala mo ang lalaking inilaan ng Diyos para sa 'yo. 'Yong lalaking tanggap kung ano ka. Mamahalin ka ng tapat at higit sa lahat may takot sa Diyos."
![](https://img.wattpad.com/cover/199213896-288-k106570.jpg)
BINABASA MO ANG
Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)
Teen FictionMila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kanya...