Chapter 17: Sketch Pad

41 1 0
                                    

"EH?" Napaawang ang aking mga labi dahil sa aking narinig.

"Please," pagpapa-cute na pakiusap ng art club vice president habang hawak ang dalawa kong kamay.

Bago pa man ako makapasok sa classroom, sinalubong niya ako. She's inviting me to join on her club. Nakita niya raw kasi ang p-in-ost ni Andrey sa social media-- water color portrait na ni-regalo ko no'ng isang gabi. Hindi ko akalain na i-po-post niya 'yon.

Ito ang unang beses na may nag-invite sa akin na sumali sa isang club. Simula no'ng pumasok ako rito sa university, wala ni isa ang nag-invite sa akin na sumali sa isang club. Kaya masasabi kong opportunity ko na 'to. Maraming salamat kay Andrey. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako.

Nabaling ang tingin ko sa limang estudyante na nasa kanyang likuran. May hawak na sketch pad ang iba sa kanila. Sa tingin ko kasali rin sila sa club.

Mayamaya, ibinalik ko ang aking tingin sa art club vice president. Nakangiti 'to.

Hindi ko kayang tanggihan ang invitation niya. Kaya naman tumango-tango ako.

"Yay!" Sobrang tuwa niya.

NANDITO ako ngayon sa harap ng art club. Nagdadalawang-isip na pumasok. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. It's my first time kaya sobrang kinakabahan ako.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob. I can do this.

Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng pagbati ng vice president. "Welcome to the Art Club!" Nagpaputok siya ng party popper na ikinagulat ko.

"T-thank you," nakangiti kong pasasalamat sa kanya. Napatingin ako sa ibang member ng club. Tahimik lamang ang mga ito. Sa pagkakatanda ko, sila rin 'yong kasama niya kanina.

Mayamaya, hinila niya ako at saka pinaupo. Nagsialisan naman ang ibang member ng club kaya kami na lang dalawa ang naiwan.

"Sa tingin ko ayaw nila sa akin," mahina kong sabi.

"Don't mind them. By the way, I'm Alicia Marc, the vice president," nakangiti niyang pagpapakilala.

Napaisip ako. "Sino ang President ng club?" curious kong tanong sa kanya.

"Ako."

Napatingin kaming pareho ni Alicia sa may pintuan.

Laking gulat ko nang makita si James na nakatayo roon.

"Welcome to the art club, Mila," pagbati niya habang naglalakad palapit sa akin.

Bakit hindi niya sinabi sa akin na siya pala ang presidente ng art club? Kung gano'n--

"ANG post ba talaga ni Andrey ang dahilan kung bakit mo ako in-invite sa club? O may iba pang dahilan?" seryosong tanong ko kay Alicia habang naglalakad sa hallway. Pauwi na kami ngayon.

Nag-isip muna siya bago sumagot. "Tama ka, may iba pang dahilan kung bakit kita in-invite sa art club."

"Si James ba?"

Si James lang naman talaga ang naisip kong dahilan at wala nang iba pa.

Marahan siyang tumango. "Sa totoo lang, wala naman talaga akong balak na i-invite ka, eh." Tumigil siya sa paglalakad at gano'n din ako. Pagkatapos, nilingon niya ako. "But, I saw your works. Pumunta ako sa art gallery niya upang tignan ang water color paintings na ginawa mo. At first, hindi ako naniwala na ikaw ang may gawa ng mga 'yon. Pero nakita ko ang water color portrait na ginawa mo para kay Andrey... Ang galing mo." She smiled.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon