Chapter 11: That Guy in a Vacant Room

54 1 0
                                    

IT'S my first time na may mga taong lumapit sa akin para hingan ng tulong. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na tulungan sila.

Pagkatapos ng klase, dumiretso kami sa isang bakanteng kuwarto. Tumigil kami sa tapat ng pinto na nasa pinakadulo ng hallway. Tinignan ko ang buong labas nito. Tinatakpan ng newspaper ang bintana kaya hindi mo makikita ang loob nito.

Marami akong naririnig na kuwento tungkol sa kuwarto. May isang ligaw na kaluluwa raw ang nagpapakita rito. Dahil do'n hindi na 'to pinapagamit at ginawa itong bodega.

Ibinalik ko ang aking tingin sa pinto. Masama ang kutob ko rito. Nararamdaman kong may mangyayaring 'di maganda. Hindi naman sa natatakot ako dahil sa kuwento-kuwento. Hindi lang talaga maganda ang kutob ko.

"Okay lang ba na kayo na lang ang pumasok sa loob?" nanginginig na tuno ni Mara. Siya 'yong babae na nakalugay ang buhok at nawalan ng eyeglasses. Siya ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon. Nalaglag niya 'yon kanina dahil sa takot. Pumunta raw siya rito dahil sa isang dare ng mga kaklase namin.

"Sasamahan na lang kita dito sa labas," suggestion ni Alyssa. Siya 'yong babae na naka-pony tail.

Inalam ko ang mga pangalan nila sa klase kanina para malaman ko kung sinu-sino sila.

Tinignan nila ako pareho. Humakbang ako palapit sa pinto at humarap sa kanila. "Ako na lang ang kukuha sa eyeglasses mo," nakangiti kong sabi.

"Maraming salamat talaga sa 'yo," pasasalamat ni Mara. Nanginginig pa rin ang boses niya. Sa tingin ko gano'n talaga siya magsalita. Napakamahiyain niya talaga.

Humarap ulit ako sa pinto. Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang door knob. Nakabukas 'to na ikinagulat ko. Nang tuluyan kong binuksan ang pinto, sumalubong sa amin ang malakas at malamig na hangin.

Lumunok muna ako ng laway bago pumasok sa loob. Madilim ang buong kuwarto kaya naman binuksan ko ang ilaw. Inilibot ko ang aking tingin sa buong kuwarto. Malaki pero masikip dahil puno ito ng mga kahon na naglalaman ng mga lumang libro, sirang silya at mesa.

Mayamaya, sinimulan ko na ang paghahanap sa nawawalang eyeglasses ni Mara. Habang abala ako sa paghahanap napansin kong may ibang tao sa pintuan. Kaya agad ko 'yong nilingon. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Melissa na kasama sina Mara at Alyssa. She grinned before closing the door.

Nagmadali akong tumakbo papuntang pinto. Pero hindi ko naabutan. Ni-lock ni Melissa ang pinto mula sa labas. Paulit-ulit ko namang pinipihit ang door knob.

"Nakikiusap ako! Buksan niyo 'tong pinto!" pasigaw kong pakiusap sa kanila. Naluluha na rin ang aking mga mata.

Hindi nila ako pinakinggan. Agad silang umalis. Napaupo na lang ako sa sahig sabay yuko ng aking ulo. Mayamaya pa, tumayo ako at naghanap ng pwedeng gamitin o daanan para makalabas sa kuwartong 'to. Iniwan ko kasi ang mga gamit ko sa classroom. Kasama na ro'n ang cellphone ko. 'Yon na lang sana ang pwede kong magamit upang makahingi ng tulong.

Natigilan ako at napayuko nang may naapakan ako. Inalis ko ang aking paa at saka pinulot 'to- isang eyeglasses. Tinignan ko 'to ng mabuti. Basag na ang mga salamin nito. Sa tingin ko nabasag 'to dahil sa pagkakaapak ko kanina.

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Bago pa man tuluyag isara ni Melissa ang pintuan, may sinabi si Mara. Hindi ko man narinig ang sinabi niya, nabasa ko pa rin 'yon sa bibig niya. Parang sinasabi niya na "sorry".

Napapitlag ako nang may marinig akong ingay sa isang sulok. Agad kong isinilid sa aking bulsa ang basag na eyeglasses. Kinakabahan man, marahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng ingay. Habang papalapit ako mas lalong bumilis ang tibok at lumakas ang kabog ng aking puso. Natatakot man, patuloy pa rin ako sa paghakbang.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon