PINULOT ko ang isa sa mga punit na papel na nasa sahig. Nanlaki ang aking mga mata nang makompirma kong parte 'yon ng isa sa mga in-sketch ko noon.
Hindi maaari 'to.
Agad kong pinulot isa-isa ang mga punit na papel sa sahig. Mayamaya pa, biglang sumikip ang dibdib ko at nanginginig ang buo kong katawan. Kinagat ko ang aking labi at pinipigilan ang sarili sa pag-iyak nang maalala ang nakaraan.
"Wow! Para sa akin po ito, ma?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa hawak na regalo.
"Oo, anak. Regalo ko 'yan sa 'yo dahil naging top 1 ka sa klase niyo. I'm so proud of you."
Iniangat ko ang aking ulo. "Thank you, ma." Ngumisi ako.
"You're always welcome, anak." Hinalikan niya ako sa noo. "Nagustuhan mo ba?"
"Opo. Gustong-gusto ko."
'Di ko na napigilan ang pag-iyak. Nanlalabo na rin ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin ako tumigil sa pagpupulot.
"Huwag po kayong malikot, okay?"
"Okay, anak. Pagandahin mo ako diyan sa sketch mo, ha?" Inayos niya ang kanyang sarili. Pagkatapos, ngumiti siya ng ubod ng tamis.
"Sobrang ganda niyo na po kaya hindi na kailangan."
"Pero ang gusto ko mas gumanda pa ako," nakanguso niyang sabi.
"Okay, fine... Ma, naman, eh. Sabi ng huwag malikot."
"Sorry, sorry." She giggled.
Mayamaya, napahagulgol na ako. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang sarili habang hawak-hawak ang mga punit na papel.
"I love you, anak."
"I love you too, ma." Hinalikan ko siya sa pisngi.
Natigilan ako nang may biglang yumakap sa akin.
"Tahan na..." Hinahaplos ni Alicia ang likod ko.
Napapikit na lang ako at niyakap din siya.
Kahapon pa lamang kami nagkakilala pero sobrang bait na niya sa akin.
Mayamaya, kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin nang kumalma na ako. Pinaupo niya ako sa silya ko at saka inabutan ng tubig. Siya na rin ang nagpatuloy sa pagpupulot.
"Pasensiya na kung kinailangan mo pa akong makitang gano'n."
Nakakahiya kasi ang ginawa kong 'yon. 'Yon ang unang beses na napaiyak ako dahil sa ginawa ng grupo ni Melissa. Sa dinami-rami ng ginawa nila. 'Yon pa ang naging dahilan ng pag-iyak ko.
Nilapitan ako ni Alicia. "Normal lang sa ating mga tao ang umiyak." Inilagay niya sa ibabaw ng mesa ang mga napulot niyang papel. "Mahalaga sa 'yo ang mga papel na 'yan kaya iniyakan mo."
Ngumiti ako ng mapait.
"Mila!"
Napatingin kaming pareho ni Alicia sa may pintuan. Nakatayo roon sina Andrey, Kira, Zaito, James, Reymond, Arthur, at Alfred. Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.
Nabaling ang tingin ko sa mga estudyanteng nasa labas ng classroom. Nakatingin silang lahat sa akin.
Siguradong nakita nila ang pag-iyak ko kanina.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Zaito. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya.
Nahihiya akong ngumiti. Pagkatapos, iniyuko ko ang aking ulo para itago ang namamaga at namumula kong mga mata dahil sa pag-iyak ko kanina.
BINABASA MO ANG
Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)
Teen FictionMila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kanya...