9 LOVE must be sincere. Hate what is evil; cling to what is good. 10 Be devoted to one another in love. Honor one another above yourselves. 11 Never be lacking in zeal, but keep your spiritual fervor, serving the Lord. 12 Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer. 13 Share with the Lord's people who are in need. Practice hospitality.
14 Bless those who persecute you; bless and do not curse. 15 Rejoice with those who rejoice; mourn with those who mourn. 16 Live in harmony with one another. Do not be proud, but be willing to associate with people of low position. Do not be conceited.
17 Do not repay anyone evil for evil. Be careful to do what is right in the eyes of everyone. 18 If it is possible, as far as it depends on you, live at peace with everyone. 19 Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God's wrath, for it is written: "It is mine to avenge; I will repay," says the Lord. 20 On the contrary:
"If your enemy is hungry, feed him;
if he is thirsty, give him something to drink.
In doing this, you will heap burning coals on his head."21 Do not be overcome by evil, but overcome evil with good. (Romans 12:9-21 NIV)
Nandito ako ngayon sa tapat ng mansion ni auntie. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula no'ng umalis ako.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob.
"Lala," mahinang sabi ni auntie nang makita ako.
Nginitian ko siya.
Mayamaya, bumuhos ang kanyang mga luha. "Bumalik ka..." Nilapitan niya ako at saka niyakap. Pagkatapos, niyakap ko rin siya ng mahigpit.
Ilang sandali pa, kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. Pagkatapos, hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. "Masaya akong bumalik ka... Ang akala ko talaga tuluyan mo na akong iiwan," umiiyak na sabi ni auntie.
Nginitian ko siya. "Hindi ko na po kayo iiwan ulit."
"Mila!"
Natigilan ako saglit. Pagkatapos, napalingon ako sa may pintuan kung saan nanggagaling ang boses.
"Bumalik ka..." naluluhang sabi ni Alicia.
"Yeah..." Nginitian ko siya.
Mayamaya, nilapitan niya ako at saka niyakap. "Masaya akong makita ka ulit."
"Gano'n rin ako," tugon ko saka ko rin siya niyakap.
Ilang sandali pa, kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "May oras pa tayo," sabi niya.
"Huh?"
"Aalis na po kami," pagpaalam niya kay auntie sabay hila sa akin palabas ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya.
"Sige, God bless!" nakangiting tugon ni auntie.
Pagkalabas namin, agad niya akong pinasakay sa kanyang kotse.
"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong nang makasakay na rin siya.
"Sa University," tugon niya. Pagkatapos, pinaandar na niya ang sasakyan.
"Huh?" Ano naman ang--" natigilan ako nang maalala na ngayon pala ang Fourth Quarter Examination. Sobrang nag-enjoy ako sa pananatili ko sa probinsiya kaya nakalimutan ko ang tungkol sa exam.
Nang makarating na kami sa University, iniabot niya sa akin ang isang paper bag na naglalaman ng school uniform. Agad ko naman itong kinuha at saka dumiretso sa CR para magpalit. Habang siya naman ay nauna ng pumunta sa kanyang classroom. Kanina pa kasi tumunog ang bell kaya pinauna ko na siya.
BINABASA MO ANG
Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)
JugendliteraturMila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kanya...