Chapter 25: The Truth

42 1 0
                                    

NATIGILAN ako nang makita ang isang maliit na papel sa ibabaw ng mesa. Tinitigan ko muna ito bago kinuha at binasa kung ano ang nakasulat.

Address? Kanino naman kaya 'to?

Bigla kong naalala ang brown envelope na iniwan din dito. Ganitong oras ko din 'yong nakita rito.

Siguradong iisang tao lang din ang naglagay nito rito. Bakit kaya?

Natigilan ako nang maramdaman kong may nakamasid sa akin. Agad naman akong lumingon at napatingin sa may pintuan.

Hindi ko siya nakikita pero nararamdaman ko ang presensiya niya. Dahan-dahan akong naglakad papunta roon. Bigla naman siyang tumakbo kaya agad ko siyang hinabol.

"Pasensiya na," paghingi ko ng tawad sa lalaking nabunggo ko.

Hinabol ko siya hanggang sa tapat ng library. Pumasok siya sa loob kaya natigilan ako. Maraming estudyante ro'n kaya mahihirapan akong hanapin siya at saka hindi ko rin nakita ang mukha niya.

Nagpahinga muna ako saglit bago bumalik sa classroom.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Alyssa nang tuluyan akong makapasok sa classroom.

Hinihingal pa rin ako dahil sa paghabol ko do'n sa lalaki.

"May hinabol lang," natatawa kong tugon. Pagkatapos, umupo na ako.

Tinignan ko ulit ang address na nakasulat sa papel.

Pagkatapos ng klase, agad naming pinuntahan ni Marco 'yong address. M-in-essage ko siya kaninang lunch bago pa man tumunog ang bell.

Nandito kami ngayon sa tapat ng isang mansion.

"Tama ba 'tong pinuntahan natin?" tanong ko sa kanya habang nakatingala at pinagmamasdan ang malaking gate na nasa harapan namin.

"Sa pagkakaalam ko, ito ang nilipatang bahay ng pamilya ni Reena."

Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig.

"Gusto mo ba siyang kausapin?" tanong niya.

Napayuko ako. "H-hindi ko alam."

Hindi ko alam kung gusto ko ba siyang kausapin o hindi.

"Naiintindihan ko. Mabuti pa siguro umuwi na lang tayo."

Sinamahan niya ako hanggang sa bus stop.

"Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka."

Nginitian ko siya ng mapait. Pagkatapos, nagpaalam na ako sa kanya.

Pagkasakay ko, inilabas ko ang aking bibliya at saka binuklat ito.

1 As the deer pants for streams of water, so my soul pants for you, my God.
2 My soul thirsts for God, for the living God. When can I go and meet with God?
3 My tears have been my food day and night, while people say to me all day long, "Where is your God?"
4 These things I remember as I pour out my soul: how I used to go to the house of God under the protection of the Mighty One* with shouts of joy and praise among the festive throng.
5 Why, my soul, are you downcast? Why so disturbed within me? Put your hope in God, for I will yet praise him, my Savior and my God.
6 My soul is downcast within me; therefore I will remember you from the land of the Jordan, the heights of Hermon-from Mount Mizar.
7 Deep calls to deep in the roar of your waterfalls; all your waves and breakers have swept over me.
8 By day the Lord directs his love, at night his song is with me- a prayer to the God of my life.
9 I say to God my Rock, "Why have you forgotten me? Why must I go about mourning, oppressed by the enemy?"
10 My bones suffer mortal agony as my foes taunt me, saying to me all day long, "Where is your God?"
11 Why, my soul, are you downcast? Why so disturbed within me? Put your hope in God, for I will yet praise him, my Savior and my God. (Psalms 42:1-11 NIV)

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon