"IKAW nga! Kumusta ka na?" tanong ni Aling Leonora. Pagkatapos, lumapit siya sa akin.
"Ayos naman po ako," nakangiti kong tugon.
"Mabuti naman kung ganoon. Pagkatapos ng lahat ng nangyari..."
Ngumiti ako ng mapait.
Si Aling Leonora ang kapitbahay namin sa probinsiya at matalik na kaibigan ni mama.
"Matanong ko lang po, ano pong ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Binisita ko ang anak kong si Vicente. Dito kasi siya nagtatrabaho at saka bumili na rin ako ng pasalubong sa pag-uwi ko sa probinsiya."
"Ganoon po ba..."
"Oo nga pala, saan ka nakatira ngayon? Sa tiyahin mo ba?"
"O-opo, bakit niyo po natanong?"
"Ano kasi... Nandoon siya noong araw na nasunog ang bahay niyo."
Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig.
"NAGTALO sila ng iyong ina bago nangyari ang sunog. Sa tingin ko nga, siya ang dahilan ng pagkasunog ng bahay niyo... Pasensiya na kung hindi ko agad nasabi sa iyo."
"Mabuti naman at nakauwi ka na. Nandito nga pala ang mga kaibigan mo. Gusto ka raw nilang makausap," nakangiting sabi ni auntie.
Tinitigan ko lang siya. Hindi ko akalain na nagagawa pa niyang ngumiti pagkatapos ng ginawa niya kay mama.
"May problema ba?" tanong niya.
"Nando'n po ba kayo no'ng araw na nasunog ang bahay namin?" seryoso kong tanong.
Nabigla naman siya sa tanong ko. "B-bakit mo natanong? S-siyempre wala ako do'n no'ng araw na iyon," pautal-utal niyang tugon at hindi makatingin ng maayos. "M-mabuti pa siguro puntahan na natin ang mga kaibigan mo." Agad siyang tumalikod at naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga tinutukoy niyang kaibigan ko. Wala akong ideya kung sinu-sino sila. Pero wala na akong pakialam do'n.
Sinundan ko lang siya ng tingin.
"Sabihin niyo po sa akin ang totoo. Nando'n po ba kayo bago nangyari ang sunog?"
Bigla naman siyang natigilan.
"Nado'n po ba kayo bago nangyari ang sunog?" Pag-uulit ko sa tanong.
Hindi siya umimik.
Napakagat ako sa ibaba kong labi at napakuyom ng kamao. "Sabihin niyo po sa akin ang totoo. May kinalaman po ba kayo sa pagkamatay ni mama?" naiiyak kong tanong.
Ilang sandali pa, hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag-iyak.
"Sagutin niyo po ang tanong ko!" pasigaw kong sabi habang umiiyak. "Anong ginawa niyo kay mama?!"
Mayamaya, umiyak na rin sa auntie. Lumapit naman sa amin ang mga lalaking Angel.
"Bakit niyo po nagawa iyon kay mama?" umiiyak kong tanong.
Nilapitan niya ako. "Aksidente lang ang nangyari. Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako, " umiiyak niyang sabi.
Umiling-iling ako. Umatras ako nang sinubukan niya akong hawakan.
"Lala, I'm very sorry. Hindi ko talaga sinasadya." Lumuhod siya sa harapan ko. "I'm very sorry..."
"PLEASE don't go..." pakiusap ni auntie.
Hindi ko siya pinakinggan. Ipinagpatuloy ko lang ang pagiimpake ng mga gamit.
Napag-desisyunan ko kasing umuwi sa probinsiya para bisitahin ang puntod ni mama at para na rin makapag-isip-isip ako. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.
BINABASA MO ANG
Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)
Ficção AdolescenteMila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kanya...