Chapter 10: 2nd Quarter Examination

57 1 0
                                    

ILANG araw na lang Second Quarter Examination na. Abala ang lahat sa pagre-review. Hindi ko na rin nakakasabay sina Andrey, Kira at Zaito during lunch break at saka hindi na rin nila ako hinahatid sa bus stop. Napapadalas na rin ang pananatili ko sa library para mag-review. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog.

Humikab ako ng malakas at naluluha ang aking mga mata. Pagkatapos, kinusot-kusot ko ang aking mga mata at saka nagpatuloy sa pagre-review. Malapit na akong matapos kaya titiisin ko muna 'tong antok ko.

Mayamaya, may kumatok sa aking pinto. Tumayo ako at binuksan 'yon.

"Matulog ka na muna. Bukas mo na lang 'yan ipagpatuloy," utos ni auntie.

"Sige po, auntie."

"Don't overwork yourself. Matulog ka na kung inaantok ka. Huwag mong pilitin ang sarili mo."

"Okay po. Goodnight."

"Goodnight din sa 'yo."

Isinara ko ang pinto at saka nagligpit ng mga gamit. Tama si auntie. Hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko. Kailangan ko rin matulog ng sakto.

"SA wakas! Tapos na rin ang exam!" sigaw ng isa kong kaklaseng lalaki.

Inihiga ko ang aking ulo sa ibabaw ng mesa. Sumakit ang ulo ko dahil sa tuloy-tuloy na exam.

Napabuntong-hininga ako. Pagkatapos, ipinikit ko ang aking mga mata. Mayamaya pa, nakarinig ako ng ingay malapit sa puwesto ko.

"Gigisingin ba natin siya?"

"Huwag na. Hintayin na lang natin siyang magising."

Familiar sa akin ang mga boses nila. Sigurado akong sina Andrey at Zaito ang nasa harapan ko ngayon. Kahit na hindi nagsasalita si Kira, alam na alam kong nandito rin siya.

Idinilat ko ang aking mga mata at tinignan sila ng masama. Kaya naman natigilan sila. Pagkatapos, naningkit ang aking mga mata. "Ang iingay niyo."

"Sorry," paghingi ng tawad ni Andrey.

Umupo ako ng maayos. "Anong ginagawa niyo rito?" kunot-noo kong tanong sa kanila.

"Sinusundo ka namin," tugon ni Zaito.

Tumango-tango naman sina Andrey at Kira.

"Hindi niyo naman kailangan gawin 'yon. Kaya ko na ang sarili ko," giit ko. Pagkatapos, iniligpit ko na ang aking mga gamit.

Mayamaya, kinuha ni Zaito ang aking bag at saka naglakad palayo kasama sina Andrey at Kira. Natigilan ako saglit. Pagkatapos, bumuntong-hininga. Ang titigas talaga ng mga ulo nila.

Tumayo ako at agad na sumunod sa kanila. Pinagmasdan ko ang mga likuran nila. Ang cool nilang tignan. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung bakit ko sila naging kaibigan kahit na naiiba ako sa kanila.

Bumuntong-hininga ako. Ano bang pinagsasabi mo, Mila? Tinatanong pa ba 'yan?

Tumakbo ako at pumagitna kina Andrey at Zaito. Sinubukan kong bawiin ang bag ko kay Zaito. Pero hindi ko mabawi-bawi dahil inilayo niya 'yon sa akin at saka matangkad din kasi siya.

I pouted. "Sa 'yo na nga lang 'yang bag ko."

"Mila, kumain na lang muna kaya tayo sa restaurant," nakangising suhesiyon ni Andrey.

Nilingon ko si Andrey at saka ngumiti. "Sure!"

"Sasama din kami," sabi ni Zaito.

Napalingon kami ni Andrey kay Zaito at saka napalingon din kami kay Kira na tumango-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Zaito.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon