Chapter 20: Confession

48 1 0
                                    

SA sobrang pagkapahiya ko parang ayoko ng lumabas pa. Nandito ako ngayon sa changing room na ginawa ng mga kaklase ko dito sa loob ng classroom namin. Suot ko ngayon ang maid uniform na tinahi ng mga kaklase ko na naka-assign sa mga damit.

Sa totoo lang, ayoko talagang suotin 'to dahil nahihiya ako. Hindi naman kasi bagay sa akin ang mga ganitong damit at saka hindi ako mahilig magsuot ng maiikling damit. Nasanay kasi akong magsuot ng palda na lagpas sa tuhod. Isinuot ko lang ito dahil ako na lang ang hindi pa nagbibihis. Kanina pa kasi nakabihis ang mga kaklase ko at saka mayamaya lang ay magbubukas na rin ang cafe.

"Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Alyssa. Nasa labas siya ngayon ng changing room.

"A-ayos lang ako. M-maraming salamat," nauutal kong tugon. Agad kong ipinasok sa loob ng paper bag ang school uniform ko. Pagkatapos, huminga ako ng malalim bago lumabas.

Natigilan ang lahat nang makita ako. Nanginig naman ang buo kong katawan at uminit ang aking pisngi. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa nilang pagtitig sa akin.

Mayamaya, iniyuko ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mga mata. Siguradong pagtatawanan nila ako. Bakit ba kasi kailangan ko pa 'tong suotin?

Gusto ko ng umuwi. I want to disappear.

"Wow! As expected, bagay na bagay sa'yo."

Huh? Nabigla ako at napaawang ang aking mga labi dahil sa narinig ko. Agad akong tumingala.

Nakatayo sa harap ko sina Alyssa at Mara.

"Bagay na bagay talaga sa'yo," pagkamanghang sabi ni Alyssa.

Tumango-tango naman si Mara. "Bagay na bangay nga."

Eh?! Mas lalong uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi nila.

Mayamaya, nagsilapitan ang mga kaklase ko sa akin.

"Ang cute mo naman, Mila."

"Grabe! Ang cute mo."

"Bagay pala sa'yo ang ganitong klase ng damit."

"Waaa! Bagay na bagay nga sa 'yo."

Totoo ba 'to o nananaginip lang ako? Kung pananigip man ito, sana hindi na ako magising pa.

"Ang cute mo pala, Mila."

Hindi ko akalain na magugustuhan nila ang suot ko.

"T-thank you," nahihiya kong tugon.

Ito ang unang beses na may sinabi silang maganda tungkol sa akin. Pakiramdan ko tuloy hindi na ako naiiba sa kanila. Pakiramdan ko rin tuloy tanggap na nila ako. Sobrang saya ko. Sana ganito na lang lagi. Sana--

Napatingin ako kay Melissa na kunot-noong nakatingin sa gawi ko.

Mukhang galit pa rin siya sa akin pero hindi na iyon mahalaga.

Mayamaya pa, nginitian ko siya. Agad naman siyang umiwas ng tingin.

Nabaling ang tingin ko sa kaklase kong lalaki nang magsalita ito.

"Sa cute mong iyan, siguradong magkakaroon tayo ng maraming customer."

"At sigurado rin na malaki ang kikitain natin ngayon!" dagdag pa ng isang kaklase kong lalaki.

Nabigla ako sa sinabi nila.

"Yeah!" Pagsang-ayon ng lahat.

Eh? Imposible 'yang sinasabi ninyo. Hindi naman ako gano'n ka cute para makakuha ng maraming customer.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon