Chapter 22: Childhood Friends

35 1 0
                                    

NATIGILAN ako sa paglalakad ng maalala ang huling sinabi ni Marco sa akin kanina.

"Sa kanila. Hindi mo alam kung sino talaga sila, Mila."

"Sino ba talaga sila?" tanong ko sa aking sarili.

"Mila? Ikaw ba iyan?" tanong ng isang 'di kilalang boses ng isang ginang.

Napatingin ako sa ginang na lumapit sa akin. Ang ganda niya at ang tangkad pa. Sa tingin ko magka-edad lang sila ni auntie.

Napaisip ako. She looks familiar. Parang nakita ko na siya sa isang painting. Hindi ko lang matandaan kung saan.

"K-kilala niyo po ako?" nagtataka kong tanong.

"Oo naman. Madalas nga kayong maglaro ng anak ko noon," nakangiti niyang tugon.

Anak? Sinong tinutukoy niyang anak? Wala akong matandaan na may kalaro ako rito. Wala rin akong matandaan na nagkita na kami noon. Sino ba siya? Paano niya ako nakilala?

"Baka gusto mong mag-tsaa muna sa bahay?"

"H-hindi na po. Salamat na lang po," pagtanggi ko.

Nakakahiya naman kung tatanggapin ko ang alok niya.

"Sige na. Kahit sandali lang. Gusto lang kitang makausap." She smiled.

Wala naman sigurong masama kung tatanggapin ko ang alok niya. Mag-tsa-tsaa lang naman kami.

"S-sige po."

Nahihiya man, pumayag pa rin ako.

Laking gulat ko nang dinala niya ako sa bahay ng pamilya Shin. Natigilan ako sa paglalakad at napatingin sa kanya na patuloy lang sa paglalakad.

Kung gano'n siya nga 'yon nakita ko sa painting. Nakita ko 'yon no'ng unang araw na pumasok ako sa bahay na ito. Siya pala ang ina ni Zaito. Madalas na wala sila ng asawa niya. Kaya hindi ko sila nakikita tuwing pumupunta ako rito para bisitahin si Zami.

Kung gano'n... Si Zaito ang tinutukoy niyang anak na kalaro ko noon?

Mayamaya, natigilan rin siya sa paglalakad at nilingon ako. "May problema ba?" tanong niya.

"Wala po, tita." Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Pagkapasok namin sa loob, agad kaming binigyan ng mainit na tsaa ng kasambahay.

"Ang laki na ng ipinagbago mo. Halos hindi na kita makilala," sabi niya nang makaupo ito sa katapat na upuan. "Mahigit labing isang taon na rin simula no'ng umuwi kayo ng iyong ina sa probinsiya," dagdag niya. Pagkatapos, humigop siya sa kanyang mainit na tsaa.

Napaisip ako. Mahigit labing isang taon? 5 years old pa lamang ako noon.

Mayamaya, humigop na rin ako sa mainit kong tsaa.

"Simula no'ng araw na umalis ka, hindi na siya lumabas ng kanyang kuwarto. Wala siyang ibang ginawa kung hindi magbasa ng libro at ang paborito niyang basahin ay ang librong ibinigay mo."

Napaisip uli ako. Librong ibinigay ko kay Zaito? Siguro 'yon 'yong librong palagi niyang dala. Ako ba talaga ang nagbigay no'n sa kanya?

"Hindi rin nagtagal lumabas na rin siya sa kanyang kuwarto at dahil iyon kay Angelica."

"Ano po ba ang ginawa ni auntie?" tanong ko.

"Binibigyan niya ito ng mga litrato mo at ibinibigay rin ni Angelica sa iyo ang mga regalo na galing sa kanya." She giggled. Pagkatapos, humigop ulit siya sa kanyang mainit na tsaa.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon