PAGKATAPOS kong mananghalian, dumiretso ako sa library. Naisipan ko kasing magbasa ng libro. Abala kasi sina Andrey at Kira ngayon. Nagmadali nga silang umalis kanina pagkatapos nilang kumain.
Wala akong mahanap na magandang libro kaya naman naglibot-libot na lang ako. Iniisa-isa ko ang mga librong nadadaanan. Napadpad ako sa isang shelf kung saan nakalagay ang spiritual books. Halos lahat ng nakalagay ay Holy Bible. Pero may isang libro na naiiba sa lahat. Halatang luma na 'yon dahil sa kupas nitong kulay.
I extended my arms to get the book pero iba ang nahawakan ko. Napalingon ako at laking gulat ko nang makita ang lalaki na nasa tabi ko. Nakatingin lang 'to sa libro. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng kulay puting uniform na katulad Kina Andrey at Kira. Anong ginagawa ng isang Angel dito?
Nanlaki ang aking mga mata nang nilingon niya ako. Agad ko namang binitawan ang kamay niya dahil sa pagkataranta. Yumuko ako at paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya.
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad ng paulit-ulit."
Natigilan ako saglit at saka nag-angat ng mukha. Familiar talaga siya sa 'kin. Simula pa no'ng nakita ko siya sa labas ng classroom namin. Pakiramdam ko talaga nagkakilala na kami noon. Hindi ko lang talaga matandaan.
"Ikaw na muna ang magbasa nito," sabi niya sabay abot ng libro sa akin.
Umiling-iling ako. "Ikaw na muna ang magbasa," giit ko. "Maghahanap na lang ako ng ibang libro. Excuse me." Tumalikod ako sa kanya.
Pahakbang na sana ako nang bigla niya akong tinawag sa nickname ko. Kaya naman natigilan ako at napaisip. Paano niya nalaman ang nickname ko?
"Lala," pagtawag niya ulit sa nickname ko.
Agad ko siyang nilingon. "Kilala mo ako?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
Hindi siya kaagad sumagot. Kaya mas lalo akong na-curious. Sino ba talaga ang taong 'to? Bakit niya alam ang nickname ko?
"No, nahulaan ko lang," tugon niya.
Eh? Seryoso?
"Common na kasi ang first 2 letters na inuulit para gawing nickname. Kaya naisipan kong tawagin ka sa Lala kaysa sa Mimi," paliwanag niya.
Tumango-tango ako. "You have a point."
"By the way, I'm Zaito Shin," pagpapakilala niya sabay abot ng kanyang kanang kamay para makipag-shake hands.
"I'm Mila," pagpapakilala ko rin sa kanya sabay ngiti. Pagkatapos, nakipag-shake hands.
Hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Kaya naman kumunot-noo ako. Mayamaya pa, bumitaw na siya.
"Sige, mauna na ako," pagpapaalam ko sa kanya. Pagkatapos, nginitian ko siya at agad na naglakad palayo.
Imbes na maghanap ng ibang libro, dumiretso ako sa pintuan at saka lumabas. Ayoko na kasing manatili sa loob ng library. Delikado na rin kapag may nakakita sa aming dalawa na magkasama.
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad sa hallway. Nawalan na tuloy ako ng ganang magbasa ng libro. Ano ba kasi ang ginagawa ng isang Angel sa lugar na 'yon? Siguro naman may sarili silang library. Pero may posibilidad rin na wala sila no'n. Bawal din kasing mag-ingay sa loob ng library kaya pwede sila ro'n.
"Akala ko ba maghahanap ka ng ibang libro?"
Napapitlag ako sa gulat at agad na lumingon sa aking likuran. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Zaito. Sinusundan niya ba ako?
Humarap ako sa kanya. "N-Naisipan ko kasing maglakad-lakad na lang kaysa sa magbasa ng libro," paputol-putol kong tugon.
"Kung gano'n, samahan na kita."
BINABASA MO ANG
Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)
Ficção AdolescenteMila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kanya...