Chapter 7: Angel's Territory

74 2 0
                                    

NAKAYUKO ako habang naglalakad sa hallway dahil sa pinagtitinginan ng mga estudyante.

"Anong meron?"

"Bakit kaya sila magkasama ni Zaito?"

"Kay aga-aga, paglalandi na ang nasa isip niya."

Napabuntong-hininga ako at saka nilingon si Zaito na nasa tabi ko. Bakit ba kasi naging kapitbahay pa namin siya? At ang akala ko pa naman kahapon ko lang siya makakasabay.

Bago pa man ako pumunta dito sa eskuwelahan, nakasalubong ko siya pagkalabas ko ng gate ng mansion. Kaya ayon magkasabay kaming pumasok ngayon. Hindi ko rin naman siya magawang iwasan dahil magkapitbahay lang kami at hindi lang 'yon... magkaharap ang mansion nila sa mansion ni auntie. Sa loob ng mahigit isang buwan na paninirahan sa mansion ni auntie, kahapon ko lang nalaman na ang pamilya Shin pala ang nagmamay-ari ng mansion na nasa tapat lang namin.

Yumuko ako at bumuntong-hininga ulit. Hindi ko magawang tumingin ng diretso dahil sa mga estudyanteng nakakasalubong namin. Kung puwede lang sana i-fast forward ang oras. Siguro kanina ko pa 'yon ginawa. Sana makarating na kaagad ako sa classroom.

"Naiilang ka ba sa 'kin?" tanong ni Zaito kasabay ng paghinto niya sa paglalakad.

Natigilan din ako at saka iniangat ang aking ulo para magtama ang tingin naming dalawa. "H-indi naman sa gano'n," pautal-utal kong tugon. "Ayoko lang na pinagtitinginan ng mga tao," pahabol ko.

Inilibot niya ang kanyang tingin. "I see."

Mayamaya, nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Kunot-noo ko siyang pinagmamasdan. Wala man lang siyang ibang sinabi. Nakakaasar talaga siya.

Laking gulat ko nang bigla niyang hinawakan ang aking braso sabay hila sa akin. Sumunod naman ako sa kanya. "Teka! Saan mo ako dadalhin?!"

Hindi niya ako pinagkinggan. Ngumiti lang 'to habang hinihila ako.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?!" kunot-noo kong tanong sa kanya.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya naman ay natigilan din ako. Pagkatapos, nilingon niya ako. "We still have 45 minutes kaya may pupuntahan tayo," nakangiti niyang tugon.

"Eh?"

Nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Hinayaan ko na lang siya at sumunod sa kanya. Wala naman akong magagawa at saka mas malakas siya sa akin.

Saan ba kasi niya ako dadalhin? Wala man lang siyang sinabi sa akin.

Mayamaya, narating na namin ang rooftop. Agad naman niyang binitawan ang aking braso. Pagkatapos, tinignan ko ang kabuuan nito. Naapawang ang aking mga labi sa nakita. Hindi 'yon katulad sa mga rooftop na nakikita sa ibang eskuwelahan. Dahil maraming halaman ang buong paligid at may isang malaking fountain sa gitna. Marami ring bench kaya magandang tambayan. Sa 'di kalayuan naman ay may mga establishment.

Natigilan ako at napaisip. Bakit may mga establishment dito? Wala naman akong nakikitang ibang tao.

"Good morning!" pagbati ng isang familiar na boses. Nasa likuran namin siya ni Zaito ngayon.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran. Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Andrey na gulat na gulat. My goodness! Ang lugar na 'to-

Napalunok ako ng laway. "Good morning," nakangisi kong pagbati sa kanya. "Mauna na ako sa inyo," pagpapaalam ko at agad na umalis.

Napaupo ako sa hagdan at saka tinakpan ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Anong ginagawa ko sa lugar na 'yon? Nakakahiya! Pumasok ako sa teretoryo ng mga Angel. Kaya naman pala walang ibang pumapasok sa lugar na 'yon.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon