Chapter 16: Acting Like a Boyfriend

48 1 0
                                    

NAPATINGIN ako kay Alfred na nasa harapan ko. Abala siya ngayon sa kanyang pagkain. Nasa isang restaurant kami ngayon at kami lang dalawa ang customer. Ganito rin ang ginawa ni Andrey no'ng kumain kami sa restaurant nito.

Siguro sinadya niya 'to para walang ibang makakita sa 'min. Mahirap na kapag malaman ng media ang tungkol sa dinner date namin ngayon.

Nginitian ako ni Alfred. Pagkatapos, ngumiti rin ako at saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Sa totoo lang, ayoko naman talaga siyang makasamang mag-dinner. Pero kinukulit niya ako. Halos lahat na 'ata ay ginawa na niya. Mag-iwan ng sulat sa ibabaw ng aking mesa, mag-message, puntahan ako sa classroom, hintayin sa labas ng gate at ihatid sa bahay.

Napatingin uli ako kay Alfred. He's so different on that time. No'ng time na nasa isang classroom kaming dalawa. Sa tingin ko 'yon ang totoong Alfred. And this person infront of me--

Impossible. Ano naman ang dahilan niya para magpanggap? Pero--

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Alfred.

"Y-yes," I smiled.

Pagkatapos naming kumain, inihatid niya ako sa bus stop. Mas mabuti na rin 'to kaysa naman sa bahay niya ako ihatid.

Laking gulat ko nang makita si Zaito na nakaupo sa bench habang nagbabasa ng libro. "Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong.

"Hinihintay ka," tugon niya habang hindi inaalis ang tingin sa kanyang binabasa.

"You don't need to wait for her," Alfred said.

Marahas na isinara ni Zaito ang kanyang libro. Tumayo siya at nilapitan kami. "It's none of your business."

Biglang tumawa si Alfred ng nakakaloko. "You're acting like a boyfriend."

Pareho kaming nabigla ni Zaito sa kanyang sinabi.

Tinignan ko sila pareho. Bakas ang galit sa kanilang mga mukha. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Ayokong lumala ang sitwasyon kaya mas makabubuti sigurong umalis na lang ako.

Paalis na sana ako nang bigla akong hinila ni Alfred sa baywang at saka niyakap. Laking gulat ko sa ginawa niya. Sinubukan kong makawala pero napakahigpit ng pagkakayakap niya sa 'kin. Halos magkadikit na ang mga katawan namin. Mayamaya pa, hinawi niya ang buhok ko. Napapikit ako nang bigla niya akong hinalikan sa leeg. Pagkatapos, kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Bukas ulit." He winked. Pagkatapos, naglakad na siya palayo.

Napahawak ako sa 'king leeg kung saan hinalikan ni Alfred. Mayamaya pa, humarap ako kay Zaito. Sinamaan niya ako ng tingin. Pagkatapos, tumalikod siya sa 'kin.

"Let's go," Zaito said.

Agad naman akong sumunod sa kanya. Hindi niya ako kinausap o tignan man lang. Mukhang galit pa rin siya dahil sa ginawa ni Alfred sa 'kin kanina.

"MATAGAL-TAGAL na rin no'ng kumain tayo dito na walang ibang kasama," nakangising sabi ni Andrey.

"Tama ka." Nginitian ko siya.

Madalas kasi siyang busy at saka madalas din naming kasama 'yong ibang Angel tuwing kakain kami rito sa ice cream parlor.

Mayamaya, may iniabot siya sa 'kin, isang invitation card na agad ko namang kinuha. Binuksan ko 'to at laking gulat ko nang mabasa ang nakasulat.

"Advance happy birthday," nakangiting pagbati ko sa kanya.

"Thank you."

Ngayong weekend na ang birthday niya. Ilang araw na lang pala. Ano kaya ang magandang regalo na puwedeng ibigay sa kanya?

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon