MAAGA akong gumising at umalis ng mansion para lang hindi makasama si Zaito sa pagpunta ko sa laro nina Arthur. Pero mas maaga pa siyang gumising kaysa sa 'kin.
"K-kanina ka pa ba diyan?" pautal-utal kong tanong kay Zaito. Nakaupo siya ngayon sa isang bench habang nagbabasa ng libro.
"Hindi naman. Nauna lang ako sa 'yo ng ilang minuto," tugon niya habang hindi inaalis ang kanyang tingin sa librong binabasa. Mayamaya pa, isinara na niya ito at saka tumayo. Pagkatapos, naglakad na kami palabas ng subdivision.
Habang naghihintay ng masasakyang bus, bigla niya akong nilapitan. Kaya naman nagulat ako. Ilang sandali pa, may kinuha siya sa kanyang bulsa. Pagkatapos, hinawi niya ang bangs ko at nilagyan ng clip.
"Para saan naman 'to?" tanong ko sabay hawak sa clip na nasa buhok ko.
"Mas bagay sa 'yo ang may clip sa buhok," tugon niya habang nakatingin sa ibang direksiyon.
"Gano'n ba? Maraming salamat." Nginitian ko siya kahit na hindi niya nakikita.
Mayamaya, sumakay na kami. Habang nasa biyahe, inilabas ko ang aking bibliya para magbasa ng isa o dalawang verse.
1 God is our refuge and strength, always ready to help in times of trouble. 2 So we will not fear when earthquakes come and the mountains crumble into the sea. (Psalms 46:1-1 NLT)
Isinara ko na ang aking bibliya at ibinalik sa loob ng bag. Kinuha ko ang aking cellphone at earphone. Pagkatapos, ipinatugtog ang paborito kong gospel song.
Nagulat ako at napalingon sa katabi kong si Zaito nang bigla niyang alisin ang earphone ko sa tainga.
"Kanina pa kita kinakausap pero hindi ka naman nakikinig."
"Pasensiya na." Agad kong pinatay ang kanta at saka inalis ang earphone sa kabila kong tainga. "Ano nga ulit ang mga sinabi mo?"
"Pagkatapos ng laro, mag-lunch muna tayo bago umuwi."
Hindi ako nagdalawang-isip. Agad akong sumang-ayon sa kanya.
"Saan mo gustong kumain?"
"Kahit saan. Hindi rin naman kasi ako mapili. Ikaw na lang ang bahala," nakangiti kong tugon.
Wala rin naman kasi akong kilalang restaurant, maliban na lang sa restaurant na pagmamay-ari ng mga Crissford.
"Okay," maikli niyang sabi.
PAGKARATING namin sa basketball court, napaawang ang aking mga labi dahil sa pagkamangha. Hindi pa nag-uumpisa ang laro pero sobrang dami na ng mga tao. Halos mapuno na ang court.
Nabigla ako nang hinawakan ni Zaito ang aking kamay at saka hinila papunta sa harapan kung saan may bakante.
Mayamaya, nag-umpisa na ang laro. First quarter pa lang ang taas na agad ng score ng team ni Arthur. Napapa-wow at napapa-palakpak naman ako tuwing makaka-shoot si Arthur. Sobrang galing niya kasing maglaro.
Napalingon ako sa katabi ko nang binaggit nito ang pangalan ni Arthur.
"Go Arthur, go Arthur," walang kabuhay-buhay na sabi ng isang batang babae habang iwina-wasiwas ang hawak na cheering pom-poms.
Ang cute!
Ibinalik ko ang aking tingin sa naglalaro nang maghiyawan ang mga tao. Naka-shoot pala ulit si Arthur.
Ang galing niya talaga.
Napalingon ulit ako ng marinig ang pangalan ni Arthur.
"GO ARTHUR!" Sigaw ng isa pang babae na nasa kabilang side ng katabi kong batang babae. "TALUNIN MO ANG MGA PANGIT NA 'YAN!" pahabol niya.
BINABASA MO ANG
Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)
Roman pour AdolescentsMila Alfonzo transferred at Angel Clever University- isang kilalang pribadong eskuwelahan sa siyudad. Ang tanging makakapasok lamang ay ang mga taong matatalino at mayayaman. As a transfer student from rural, hindi naging madali ang lahat sa kanya...