Chapter 15: Please Stay

47 1 0
                                    

AGAD akong sinalubong ni James nang makapasok sa loob ng Art Gallery na pagmamay-ari niya. Bakas sa kanyang mukha ang tuwa. "Mabuti naman at nakarating ka."

I smiled. "Actually..."

"Kasama niya ako," rugtong ni Zaito na nasa likuran ko ngayon.

Naglaho ang tuwa sa mukha ni James. Gano'n din ang expression ni Arthur kahapon no'ng makita si Zaito.

Ano ba kasing ginawa nitong si Zaito?

Nilingon ko saglit si Zaito. Pagkatapos, ibinaling ko ulit ang tingin kay James. "Pasensiya na kung hindi ko agad sinabi sa 'yo."

Ibinaling niya ulit ang kanyang tingin sa akin. "It's okay." He smiled. "By the way, nabenta lahat ng paintaings mo," nakangisi niyang imporma.

"Eh? Really?"

Kyaaa! Totoo ba 'tong narinig ko?

"Yes."

Sobrang natuwa ako sa 'king narinig na halos magtatatalon na ako. Ang akala ko talaga hindi mabebenta ang mga gawa ko. Watercolor lang kasi ang gamit ko at saka hindi naman gano'n ka ganda ang pagkakagawa. Hindi naman kasi ako gano'n ka galing tulad ng ibang artist na hinangaan ng ibang tao.

"I want you to paint again using the same medium. Sa tingin ko 'yon ang dahilan kung bakit nabenta lahat ng paintings mo."

Tama siya. Ang medium na gamit ko ang dahilan kung bakit nabenta ang paintings ko.

"Okay," masigla kong tugon.

Yay! I'm so excited!

Pumunta kami sa isang tea shop at do'n ipinagpatuloy ang pag-uusap namin. Nabanggit kasi niya sa message na do'n kami pupunta ngayon.

Iniabot sa 'kin ni James ang isang cheque. Tinignan ko muna 'yon bago tuluyang kinuha at laking gulat ko nang makita ang nakalagay na amount dito. Sobra ang amount na nakalagay. Alam ko kung magkano lahat ng nabentang paintings.

Ibinalik ko ang cheque sa kanya. "Sobra ang amount na nakalagay."

Umiling-iling siya. "Sinadya kong dagdagan ang amount. I also want to help." He smiled. Then, he give it back.

"Hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng 'to. Malaking tulong na ang ginawa mo para mabenta ang lahat ng paintings."

Umiling-iling siya. "Hindi sapat ang lahat ng 'yon para makatulong. Maliit na bagay lang 'yon," giit niya.

Ang bait niya talaga.

I smiled. "Thank you." Agad kong isinilid sa 'king bag ang cheque.

"PARA saan 'to?" nagtataka kong tanong kay Zaito habang pinagmamasdan ang isang cheque na iniabot niya sa 'kin. Naglalakad kami ngayon papuntang arcade. Nagyaya kasi siyang pumunta kami ro'n para maglaro.

"Kailangan mo ng pera, 'di ba?"

Natigilan ako saglit. Pagkatapos, tumawa ng malakas. "Ano bang ipinagsasabi mo? Hindi ko kailangan ng pera." Ibinalik ko ang cheque sa kanya.

Siguro nagkamali siya ng pagkaintindi do'n sa pinag-usapan namin ni James kanina. Wala kasi siyang alam tungkol do'n sa charity dahil hindi ko sinabi sa kanya.

"Para saan naman 'yong binigay na tulong ni James?" naguguluhan niyang tanong.

I smiled. Pumunta ako sa harap niya. Kaya naman natigilan siya sa paglalakad. "Para 'yon sa charity," paglilinaw ko.

"Kung gano'n... 'Yong perang natanggap mo ay para sa charity?"

Tumango-tango ako.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Eh,'di sana ako na lang ang bumili sa lahat ng paintings mo."

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon