Chapter 4: That Guy With Headphone

107 2 0
                                    

"ARE you okay?" tanong ni Andrey. Nakaupo siya ngayon sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa ice cream parlor kung saan niya ako dinala kahapon.

"O-oo," tugon ko sabay angat ng aking ulo.

"Kanina ka pa wala sa 'yong sarili. May gumugulo ba sa 'yong isipan?" seryosong tanong ni Andrey.

"W-wala. May naalala lang ako," nakangiti kong tugon.

Mayamaya, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagsubo ng ice cream. Nakakalahati na si Andrey habang ako naman ay naka-isang subo pa lang.

Bigla akong natigilan nang maalala ang sinabi ng kaklase ko kanina. Ang totoo, tinanggihan ko ang alok ni Andrey kanina. Ayoko kasing magalit ulit ang mga kaklase ko sa akin. Pero wala akong nagawa no'ng hinila niya ako papunta dito sa ice cream parlor. Ewan ko ba sa kanya. Napakahilig niyang manghila.

Hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo dahil ayokong mag-alala siya sa akin.

Napakunot-noo ako nang tinitigan niya ako. Pagkatapos, ngumiti siya.

May dumi ba sa mukha ko?

Agad kong kinuha ang aking salamin sa loob ng bag at tinignan ang sarili kung may dumi ba. Wala naman, ah. Pinagti-trip-an lang 'ata ako ng taong 'to.

Tinignan ko muna si Andrey bago ibinalik ang salamin sa loob ng aking bag. Pagkatapos, ipinagpatuloy ko na ulit ang pagkain ng ice cream.

Bigla siyang tumawa. Kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Anong problema ng taong 'to?

Hindi ko na lang siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang pagkain. At nang matapos ay agad niya akong hinatid sa bus stop kagaya ng paghatid niya sa akin kahapon.

NAKAYUKO akong naglalakad papasok ng classroom habang pinagtitinginan ako ng masama ng mga kaklase ko. Para silang tigre na ilang sandali lang ay puwede nila akong lapain. Siguro nakita nila kaming dalawa ni Andrey na magkasama ulit. Kaya galit na galit sila ngayon sa akin.

Muntikan na akong madapa dahil sa sobrang kaba. Baka kasi kung ano ang gagawin nila sa akin.

Ilang sandali pa, mas lalo akong kinabahan nang sinalubong ako ng isa sa mga kaklase kong babae. Siya rin 'yong taong pinagbantaan ako. Hindi ko matandaan kung ano ang pangalan niya. Hindi ko kasi pina-familiarize ang mga pangalan ng mga taong hindi malapit sa 'kin.

My goodness! Sigurado akong lagot ako nito. Napapikit ako sandali at nagdasal.

Idinilat ko ang aking mga mata nang bigla siyang magsalita. Huh?

"Magkita tayo sa school garden malapit sa fish pond pagkatapos ng klase," sabi niya at agad naman siyang umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Pagkatapos, bumuntong-hininga ako sabay hawak sa aking dibdib. Kinabahan ako do'n, ah. Akala ko talaga kung ano na ang gagawin niya sa akin. Pero mas kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Wala akong ideya kung bakit niya gustong makipagkita sa akin pagkatapos ng klase.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad. Pagkatapos, umupo ako sa aking silya at inihiga ang aking ulo sa ibabaw ng mesa. Ano'ng gagawin ko? Pupunta ba ako o hindi?

"HINDI ka rin marunong makinig eh, no?" galit na tanong ng kaklase kong babae. Kaharap ko siya ngayon at nakatalikod naman ako sa fish pond.

Hindi ako makasagot dahil sa sobrang kaba. Gusto kong tumakbo palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Dahil nanginginig ang buo kong katawan sa sobrang takot ko sa kanya.

Ilang sandali pa, dumating ang lima kong kaklaseng babae. Tinignan ko sila isa-isa.

"Ano kayang magadang gawin sa kanya?" nakangiting tanong ng isa kong kaklase habang nakaharap sa akin.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon