Chapter 13: Do Not Let That Guy to Kiss You Again

69 1 2
                                    

IT'S already 10 p.m. but I'm still awake. Hindi ako makatulog dahil hindi maalis sa aking isipan ang ginawa ni Arthur kanina. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang halik niya sa aking pisngi. Bakit ba kasi niya ginawa 'yon? Para saan ba kasi 'yon? Kakikilala lang namin pero nagawa niya 'yon?

Bumuntong-hininga ako at kinuha ang aking bibliya na nasa ibabaw ng bedside table. Binuklat ko 'to at saka binasa ng tahimik.

1 Blessed is the one who does not walk in step with the wicked or stand in the way that sinners take or sit in the company of mockers, 2 but whose delight is in the law of the Lord, and who meditates on his law day and night. (Psalms 1:1-2 NIV)

Pagkatapos kong magbasa, agad kong ibinalik sa ibabaw ng bedside table ko ang bibliya. Humiga ako at ipinikit ang aking mga mata. Hindi pa rin ako makatulog dahil sa kakaisip sa nangyari.

Mayamaya, bumangon ulit ako. Kinuha ko ang aking cellphone at saka earphone. Pinatugtog ko ang "As the Deer" na isang praise and worship hymn song.

Ipinikit ko ang aking mga mata at sinabayan ang kanta.

"As the deer panteth for the water

So my soul longeth after thee

You alone are my hearts desire

And I long to worship thee"

Mahina ang boses ko kaya walang ibang makakarinig sa 'kin at saka wala akong mai-estorbo.

Pagkalipas ng ilang minuto, dinalaw na ako ng antok. Kaya pinatay ko na ang kanta. Inilagay ko ang aking cellphone at earphone sa ibabaw ng mesa. Baka kasi madaganan ko pa ang mga 'yon sa pagtulog ko.

KAKALABAS ko lang ng mansion. Kahit na inaantok, maaga pa rin akong nagising. Kung puwede lang sanang um-absent para matulog na lang.

Humikab ako nang malakas habang naglalakad palabas ng gate. Mayamaya pa, natigilan ako nang makasalubong si Zaito. Tinignan niya lang ako saglit at saka siya umalis.

"Anong problema niya?" tanong ko sa aking sarili habang sinusundan 'to ng tingin.

Ang weird niya ngayong araw. Nginingitian niya naman ako tuwing nagkakasalubong kami. May nagawa ba akong masama sa kanya?

Ilang sandali pa, nagpatuloy na ako sa paglalakad at sinundan siya hanggang sa pagsakay ng bus. Umupo siya sa bandang likuran habang ako naman ay umupo malapit sa driver.

Hindi pa rin niya ako pinapansin hanggang sa makababa kami ng bus.

Nauna akong naglakad kaysa sa kanya. Nilakihan ko ang aking mga hakbang at binilisan ang paglalakad. Total wala naman siyang pakialam sa akin.

Natigilan ako nang sinalubong ako ni Arthur. Tumingala ako para magtama ang tingin naming dalawa.

"Sabay na tayo."

Hindi kaagad ako nakasagot. "Sure," maikli kong tugon. Pagkatapos, nginitian ko siya.

Bago pa man kami nagpatuloy sa paglalakad, nilingon ko muna si Zaito na nasa aming likuran. Tinignan niya ako ng masama kaya napakunot-noo ako. Ano ba kasi talaga ang problema niya? Wala talaga akong matandaan na may ginawa akong hindi maganda na ikinagagalit niya.

Hinatid ako ni Arthur sa classroom at agad naman siyang umalis para pumasok na rin sa kanilang classroom. Sinundan ko siya ng tingin.

Nabaling ang tingin ko kay Zaito na nasa unahan ni Arthur. Sinamaan niya ako ng tingin pero agad siyang umiwas at saka umaakyat ng hagdan.

Napakunot-noo ako. Mayamaya pa, pumasok na ako sa classroom. Natigilan ako nang pinagtitinginan ako ng masama ng mga kaklase ko. Yumuko ako at saka dumiretso sa aking silya. Pagkatapos, inilabas ko ang notebook ko at ni-review ang previous lessons. Habang abala ako sa pagre-review, dinig na dinig ko na pinag-uusapan ako ng mga kaklase ko. Kahit na kailan hindi talaga nila ako tinigilan.

Watch Your Feelings! (Published under TDP Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon