💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#1 - Ako
Ako...
Ako nalang ang palaging masama Ako nalang ang palaging may sala Hindi ko na nga maitanggol ang sarili ko kahit na rin ang mga salitang hindi ko maisabi mula sa aking bunganga Kase sa huli wala naman din akong magagawa Ako pa rin ang mali at sila ang tama.
Ako...
Ako ang tipong nananahimik sa isang tabi pero ako ang palaging sinisisi pag may away Pati na ring mga nawawalang gamit ako pa sinisisi ng walang kamalay malay Iniisip ko nalang kung bakit ako palagi ang dinadamay
Parang gusto nga nilang mawala ako dito, hinihiling nalang na sana wala na ako sa mundo Ilang beses ko nalang pinabayaan ito Ilang beses ko na ring nagawang kalimutan ang mga masasakit na alaala dito sa puso ko
Pinipilit ng isip ko na ako nga ang tama at niloloko lang nila ako Pero yung totoo mali naman lahat ng ginagawa ko sabi ng puso ko Kahit anong gawin ko magsalita man, kumain, maglakad, magsulat, maglaro, sinasabi nilang mali parin ako
Ako...
Ako na nga ang mali ako pa ang walang silbi
_____________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.