💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#19 - Pagod na Ako
Pagod na ako...
Pagod na akong apihin ng mga tao
Pagod na akong saktan nila ang puso ko
Pagod na akong pagtripan ng mga kaibigan ko
Pagod na akong maniwala sa mga bagay na hindi naman pala totoo
Pagod na akong makipagkaibigan sa mga taong hindi naman pala ako gusto
Ang sakit sa damdamin yung palagi nalang ako yung sinasaktan
Palagi nalang ako ang nahihirapan
Bakit ba ganun yung mundo sa akin?
Para naman akong ginawang alipin
Kapag masaya ka sasabihing masyadong bibo ka
Kapag nagkamali ka ng isang beses tatanungin kung bobo ka ba?
Tanga ka ba?
Kapag balot na balot ka naman sa suot mo sasabihin na baduy ka
Kapag maikli naman suot mo sasabihing papansin ka
Kapag payat ka sasabihing tingting ka
Kapag mataba ka naman sasabihin nilang baboy ka
Kapag nabubuhay ka sasaktan ka nila
Pero kapag namatay ka na sasabihin naman nila na
"Mahal na mahal kita sana bumalik kana."
"Sana hindi totoo na nagpakamatay ka."
"Ang saya saya mo kasama bakit ka pa nawala."
Kaya ayoko na sa mundo
Ano ba talaga gusto nila, yung mabuhay ako o yung makita nila lapida ko
Kasi ang alam ko lang pagod na ako
Pagod na akong husgahan ng mga tao kung anong meron ako
Kapag ako naman mang-asar sa kanila pagkakaisahan nila ako
Ipagmumukha nila sa lahat na sila yung biktima
At ako naman ang sasabihang may mali at masama sa harap nila
Pagod na ako
Ayoko nang saktan nila ako ng paulit-ulit para lang mawala na ako sa mundong ito
Mas magandang umalis nalang ako dito
Gusto kong mawala nalang ako habang kinakalimutan ko ang mga salitang dumudurog sa puso ko
Ayoko na sa buhay kong ito
Pagod na ako
Pagod na akong pagsawaan ng mga tao
Pagod na pagod na ako
______________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.