💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#18 Ang Halaga Niya
Noong unang araw na isinilang ka sa mundong ito Nakita mo na agad ang kasakiman ng mundo Araw araw palaging masamang impluwensiya ang naidudulot sa iyo Gumagawa ka na rin ng masama sa iyong kapwa tao Ngunit kahit ano mang kasalanan yang ginagawa mo papatawarin ka pa rin ng Diyos ng buong puso
Napansin ko sa panahon ngayon puro pag ibig na ang iniisip ng mga tao Jowa dito jowa doon pagsinagot ka ng crush mo parang kang nanalo Tapos pagnaghiwalay kayo iiyakan niyo ng todong todo Pag tungkol kay crush yung usapan palagi kang interesado Eh paano pa kaya ang Diyos siya nalang palagi ang iyong inaabandonado at si crush naman ang palaging inaasikaso Kung sino pa talaga ang taong binantayan ka mula sa langit siya pa ang kinalimutan mo Tapos panay asa ka dyan sa crush mo, hindi niya naman nakikita yung halaga mo
Tandaan mo sinakripisyo ng Diyos ang buhay niya para lang sa atin Lahat gagawin niya para lang sa mga taong katulad natin
Mga mapanghusga, mapanakit, mapang-abuso, manloloko, hindi pa ba tayo nahiya? Hindi pa ba tayo nakuntento sa kalayaan na ibinigay niya sa atin, hindi ba ito mahalaga? Nakikita ng Diyos ang lahat ng iyong ginagawa pati na rin ang mga araw na pumapatak ang iyong mga luha Kaso mas nasasaktan siya kapag may mali kang ginagawa Katulad ng mga araw na mgasisimba ka nalang tapos matutulog ka pa sa kalagitnaan ng misa Isang oras lang ang kaniyang hinihiling pero panay isip kapa rin kung paano mo matatalo yung kalaban mo sa ML at Dota Nahihirapan din siya hindi niyo lang talaga nakikita
Huwag nating kalimutang mahalin siya at ipagdasal sa araw-araw nating buhay Tumagal ka man sa mundong ito palagi ka niyang hinihintay Hindi katulad ng jowa mo na iniwan kalang niya ng walang kamalay malay Ituring natin siyang isang tao kahit hindi mo sya nakikita sa tunay na buhay
Malapit na ang buwan ng pag ibig kaya huwag nating limutan ibigin ang taong mahal natin lalo na ang Diyos na nasa itaas Huwag kalimutang pahalagahan ang Diyos hanggang sa wakas
_____________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.