Bakit bawal?

8 0 0
                                        

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*

Tula#17 - Bakit bawal?

Babae ako pero mahal ko babaeng maganda

Lalake siya pero mahal niya lalake na nagpapasaya sa kanya

Babae naman at lalake sila, pero sampung taon ang agwat nila

Mayaman siya pero ang isa walang pera

Ano ba ang mali sa pagmamahalan ng mga taong ito

Kung mahal ba nila ang isa't-isa ng buong buo

Hindi kaya inggit lang sa kanila ang ibang tao

O kaya ayaw nila sa mga relasyong ganito

Kung mahal mo ang isang tao mahalin mo

Mahal mo sya mahal ka nya pero bawal maging kayo

Dahil sa tutol ang buong mundo sa kagustuhan ninyo

Mahirap man isipin ang mga pangyayaring ganito

Kung hindi naman kayo gusto makita ng mga tao

'Bakla'

'Malaswa'

'Huwag kang didikit sa mga taong ganyan baka maging katulad ka nila'

'Tomboy'

'Nakakadiri'

'Ang ganda niya sana kaso transgender naman'

'May jowa pa siyang nalalaman kung lalaki siya at lalaki naman din ang kanyang sinasamahan'

Tiisin nalang natin ang mga salitang nakakasakit

At iwasan ang mga tanong na nagsisimula sa bakit

Bakit?

Bakit natin kailangang sagutin ang tanong na ito

Kung ang sagot naman nito ang magpapasakit sa ating puso

Dahil sa tuwing pinipilit mong hanapin ang sagot sa tanong na nakakaloko

Mapapatanong nalang tayo kung Bakit?
Libo-lobong tao sa mundo pero bakit ako ang napili na masaktan sa buong buhay ko?

Bakit bawal ang maging tayo?

Bakit ikaw pa minahal ko?

Ikaw pa ang taong nagustuhan ko

Ikaw pa ang taong pinaka-inaalagaan ko ng buong buo

Itigil nalang natin ang kalokohang ito

At tayo'y muling magbalik sa nakaraan kung saan ay walang nabuong tayo

Huwag mo na akong lapitan

Kasi ang hirap pag ako ang nasaktan

At ikaw yung umuwing luhaan

Dyan ka lang at dito lang ako

Tigilan na natin ito

Ang sakit na sa puso

Kahit anong gawin nating paraan para magkasama tayo

Paghihiwalayin pa rin tayo ng ibang tao

Ayoko na

Ayoko ng lumuha pa

May mahahanap ka ring iba

Pero ikaw pa rin yung kayang magpatibok ng puso ko

At ako naman ang kayang bumuo ng araw mo

Masaya na sana tayo

Kaso bakit bawal? Bakit bawal kaming magmahalan

Alam mo ang hirap humiwalay sa kanya bakit ba kasi palagi yung puso ang nahihirapan

Kung sa huli kami naman ang maaapektuhan

Bakit bawal?

Ayaw ba ng mga tao na magkasama tayo

O marami lang talagang judgemental sa mundo

______________________________

______________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😓🙁😓

𝘽𝙞𝙣𝙞𝙩𝙖𝙬𝙖𝙣𝙜 𝙎𝙖𝙡𝙞𝙩𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon