💔 Bakit gusto mong balikan ang nakaraan kung wala ka namang mapupuntahan dahil doon nagsimula kung paano ka umuwi ng luhaan 💔
TRIGGER WARNING!!!
Contains:
Death
Angst
Bullying
Depression
Self-harm
Anxiety
Heartbreak
People's dark personalities
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
*✭˚・゚✧*・゚*✭˚・゚✧*・゚*
Tula#9 - Rosas
Kay ganda at kay bangong rosas palagi natin itong ginagamit lalo na pag may kasalan Minsan naman pang regalo sa pinakamamahal na pamilya o kasintahan Buti pa yung rosas palaging pinapansin, parang ikaw pinapansin din minsan Akala mo may gusto siya sayo kaya pala puso mo lang ang kailangan Para saan ba gagamitin naman? Syempre para lang paglaruan
Ang mga tinik naman ng rosas pag ito ay iyong hinawakan pwede kang masugatan Kagaya rin ng pagmamahalan niyo, minsan dapat kailangang may masaktan
Mayroon naman din itong iba't ibang kulay na maaari nating makita Katulad niya na may marami ng kasamang jowa Hindi man lang makuntento sa isa
Ang hirap na ngang tanggapin na sinasaktan ka lang niya Pero panay asa ka lang na sana huwag ka niyang iwan para sa iba
Yung pagmamahalan ninyo parang rosas, hindi matibay Lalo na pag ito ay pinabayaan at walang umalalay Hanggang sa unti unti itong malanta at mawalan ng buhay Parang nagsawa na kayo at hindi niyo na mahal ang isa't isa kaya sa huli walang magawa kundi kayo ay maghiwalay
Wala na kayong magawa kung hindi ay magpaalam
Ang sakit sa pakiramdam
Kahit isa man lang sa inyo walang may pakialam
Mas masakit pa kesa sa makagat ka ng langgam
Yung pagmamahalan ninyong dalawa biglang nawala ng walang kaalam-alam
______________________________
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.